Hay nako pareho tayo. 10 pictures nga lang pinadala namen tapos puro postmarked cards, remittance slips, boarding pass tapos copy of entry and exit stamp sa passport. Kaya last week nagemail ako sa CEM at nagaattach ng iba pang pics tapos gumawa din ako ng timeline ng relationship namen. Nalulungkot na kame ng asawa ko. Yung iba naunahan pa kame. Eh ang simple simple lang naman ng application namin. Wala pa kaming anak. Lahat naman ng nasa checklist napadala namin. Bayad na rin lahat ng fees simula pa nung pinasa namin yun. Ok rin ang medicals. Nakalagay naman sa NBI nya "no record". So ano pa kayang pwedeng dahilan ng pagkakatengga ng passport ng asawa ko sa CEM??Ang hirap magisip. Naaawa na ko sa asawa ko kasi wala na sya work, kaya palagi nya naiisip yun. Miss na miss ko na asawa ko. 1st wedding anniv namen sa June, sana bago naman dumating yun lumabas na ang visa nya. Haaaaaaaaaaaayyyy! Nalulungkot na rin talaga ako sa kakahintay every week tas pag tingin ko sa e-cas, application received pa rin.

Sana kahit address ko man lang magappear sa e-cas ng asawa ko. Or sana mag-in process man lang...hayyyyyyyyyyy!