Para po sa mga nagtatanong about sa seminar share ko na lang po sa inyo itong info na binigay ko kay mistletoes
CFO is not a seminar, name lang sya ng association Commission on Filipinos Overseas. Anyway, if you go to their website www.cfo.gov.ph, dalawang seminar ang binibigay nila under PDOS/Registration:
A. Filipinos Leaving the Country with Immigrant Visa (if the sponsor is holding a PR card only)
B. Filipino Spouses and Partners of Foreign National (if the sponsor is Canadian Citizen either by birth or naturalized)
Kapag Permanent Resident (PR) ang status ng asawa sa Canada dun dapat sa A. You have to attend the Pre-departure Orientation Seminar (PDOS) or the Peer Counseling Seminar which is a special session for those with ages 13 to 19 years. After nag seminar ay pwede na kumuha ng CFO sticker.
This link will help you para malaman lahat ng requirements and other informations that you need such as time of sessions, fees, etc.
http://www.cfo.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1347:for-filipinos-leaving-the-country-with-an-immigrant-visa&catid=139
Kapag Canadian Citizen ang asawa dun dapat sa B. Ang kailangan ma-accomplish ay makuha ang Guidance and Counseling Certificate (GCC) and the CFO sticker. That kind of seminar ay ginagawa sa dalawang offices, meron sa:
1) St. Mary Euphrasia Foundation-Center for Overseas Workers (SMEF-COW)
2) People's Reform Initiative for Social Mobilization, Inc. (PRISM).
According to raniloc it's better na dun sa SMEF-COW na office punta kasi may extension na din ng CFO office dun so after ng seminar for Guidance Counseling Session and pag nabigay na nila yung Guidance Counseling Certificate (GCC) na kailangan, derecho na dun sa katabing office nila which is yung CFO nga para mabigyan ka na nila ng CFO sticker. Kasi isa sa mga requirements ng mga spouse para makuha yung CFO sticker ay yung GCC mo.
Anyway, ito yung link din sa SMEF-COW:
http://www.smef-cow-phil.org/index.php?option=com_content&view=article&id=62&Itemid=68
Mababasa dyan lahat ng mga requirements na dapat dalin and yung time ng sessions nila. Since 7:30 am ang start ng registration nila, dapat mas agahan kasi minsan may mga nakapila na agad at para matapos agad in one day lahat ng dapat ayusin.
Natapos na ng asawa ko yung sa kanya last week and dahil maaga sya doon it only took him few hours to accomplish everything. Dont forget din na sabihing
Canadian Citizen ang asawa nyo at
Canadian Passport holder sila dahil medyo magulo kausap yung parang receptionist dun at kinailangan pa na tawagan ko sila.
Sana po ay makatulong ang info na ito para sa mga kukuha pa lang ng seminar. Goodluck everyone!