tama po yan. ang pagsend ng sobra ay failure to follow instruction, at kasama sa evaluation yan. Ganun din sa pagfollow-up. No choice tau kundi maghintay. ang mahirap lang di natin alam kung may hinihintay ba tayo?
Sakin, 3 overseas police certificates hiningi. at hindi pa pinagsabaysabay. May follow-up letter sila sa dalawa, natuwa ako dahil kala ko solved na yung isa. Di nagtagal, may follow-up para sa dun sa isa. Bandang huli, final reminder/warning....para sa dalawa. E wala po ako naibigay kahit isa dahil nde ako tlaga makakuha. Substitute proofs lang naibigay ko. Sumagot na ako ng medyo pabalagbag sa reply letter ko. Sabi ko i told my wife, after spending 4 years there, prepare to come home if things do not turn-out as expected. And seems my working abroad has become more of a liability rather than asset. Hindi nagtagal, dumating yung medical request at pinagaffidavit na lang ako na di ako naaresto sa ibang bansa. Within a month lng yata (di ko mkita timeline from here) dumating na yung PPR.
Noong una pa, marami na nagadvise sakin to submit affidavit instead. Pero di ko kinagat yun knowing na it is a self-serving document. At clearance ang hinihingi nila nde affidavit - baka magalit at makasama. Let it come from them at yun nga ang nangyari. You know, my affidavit was only one sentence. Kung ano sinulat nila eksakto yun ang nilagay ko lang. wla na pabulaklak o additional justification. The notary wanted to add something, sabi ko wag na. yan lang isang sentence.
we are waiting for the landing interview. sa cue, sept 30 pa daw action sa finalization. hopefully middle of october may PR na. Pag inabot pa to ng november, malamang sa hinde, remed at nbi, plus renewal of OWP. ang hirap talaga maging pilipino!