joramjee said:
Ano po yung ICAS at WES mam? Sa Canada yan makikita or sa online? VOH na po ako last Saturday..kelangan ko a eprepare lahat ng baby bago lumipad...thanks po
Congratulations! Opo, sa Canada sila pero pwedeng pwede online oorderin. Kaso medyo matagal yung assessment. Kahit sa Canada mo na ipadala. Mas mabilis ang WES, weeks lang. Sa ICAS inabot ako ng 3 months kakahintay. Ano po bang field niyo? Most employers naman hindi manghihingi nito I think, so pwede ka na rin magstart mag apply for a job without them basta may SIN ka na. Ako nag apply lang kasi mag aaral na ako, pero naka 2 employers na ako (isa sa office, tapos yung ngayon work at home job kasi may baby na ako at mahal ang child care hehe) and hindi ako hiningan ng Canadian assessment ng education ko. Usually okay na sa kanila ang transcripts basta klaro yung information. For your reference, eto ang websites nila:
https://www.icascanada.ca/home.aspx
http://www.wes.org/ca/immigrants/
Good luck sa inyo! Wishing you a safe trip, and a happy life ahead of you!