hanna747 said:
Hi guys,
Naka tanggap n kmi Ng update from the immigration... May interview un spouse q 3 weeks from now.... Sobra stress kmi naun kc we have been apart for 5 years and this wiLL be the decisive factor if approve cya or Ndi... Of course aappeaL kmi (knock-on-the-wood) if ma-deny cya... Ano po ba mga tips ninyo sa spouse q... Pwede Po ba magdaLa Ng additionaL documents? WaLa kasi nakasuLat sa Interview Letter na magdaLa Ng additionaL documents... But prepare nmin Ng partner q un pwede p nmin i-PaKita na genuine in reLationship nmin... Like UN visit nya Dito nun december-janauary aka un indochina and SE Asia tour nmin nun March... Pati mga send money receipts and gifts.... Thank you sa mga magrerepLy... Gusto q cLa bomb agin pa Ng marami marami documents, un mga memorabLe events nmin after passing nun appLication nmin nun November 2013... Sobra nervous TLga Kmi... Sana Maganda Ang pasko nmin ngayon taon.... Thank you thank you in advance un makaka give Ng advice sa Amin, sobra maappreciate nmin un... Kahit simpLeng advice Lng guys, sana may ma-share kyo...
Sorry po kung masyado mahaba... Understand nyo n Lng po Aq kc sobrang worried kmi... ALam nmin sa sariLi nmin na genuine un reLationship nmin but dahiL sa sobrA "unique" un reLationship nmin, which I can say 1 in a miLLion case ata un KatuLad sa Amin, taLagang ma doubt mo un marriage nmin... MahaL n mahaL n mahaL q cya and I reaLLy want to start my Life with my partner and buiLd our famiLy....
Hi Hanna,
Don't worry too much kasi makakaapekto yan sa tamang pag-iisip mo kung paano paghahandaan ang interview. As backgrounder, na interview din kami mag-asawa nong nag apply kami as Federal skilled worker. So yung advice ko sa iyo is from that point of view, not necessarily for spousal sponsorship.
Very important organized lahat ng documents na dadalhin ng spouse mo. Wala namang sinabi na bawal magdala ng docs kaya ok lang magdala kung sa tingin mo makakatulong yun sa pag prove na genuine ang relationship nyo. Sabihin mo sa spouse mo magdamit ng maayos, yung tipong pinaghandaan talaga ang interview. Although walang direct relationship ang pananamit sa application mo, meron naman syang iniiwang impression sa makakaharap mo. Nong time na ininterview kami kuntodo corporate attire kaming mag asawa. Sobrang kaba rin kami non kasi parang matter of life and death pag pinatawag ka for interview. Pero ginamit naming chance yun para patunayan namin na karapat-dapat kaming bigyan ng PR. Parang isa pa lang natatanong sa amin ng visa officer ay may decision na sya kaagad na bigyan kami ng visa. At mismo sinabi nya sa amin na naappreciate nya yung pagiging organized ko. Nakita nya kasi paano ko binubunot isa-isa mga papeles namin. Dalawang folder bags dala ko, tig-isa kaming mag asawa. Dahil sa interview na yun, natutunan ko na malaking bagay na maging organizado ka. Mas madali kasi yung takbo ng interview pag alam mo kung ano yung iprepresent mong docs to support your claims. For example sinabi mo na nag tour kayo ng so and so place/date, ilabas mo yung itinerary nyo, pictures etc.
Kung may time pa sana, request ka ng gcms notes para makita mo doon kung bakit may interview yung spouse mo. Pero if within 3 weeks ang interview parang short na yung time. Normally kasi pag nag request ka ngayon after 30 days pa makuha results non.
Isa pa, hindi porke may interview ka eh doubt na sila agad. Minsan meron lang malabo sa mga nakita nilang documents or story nyo kaya kailangan nila clarify ng personal. Pero bottomline, mag prepare pa rin ng husto at pray for wisdom para iguide kayo ni Lord.
God bless your interview.