Sobrang dami na ngang passports and na-hoard ng CEM. It's about time na ibalik na nila. I am tempted to get my passport na kasi I want to visit my best friend in Malaysia kaso natatakot ako na baka pag kinuha ko yung passport ko, malagay na naman sa dulo ng pila ang passport ko. Nakakainis na talaga.
All along akala ko organized at systematic ang mga government/embassies ng ibang bansa katulad ng Canada. Although yeah, sige given na na nagka-strike, pero ang daming inconsistencies sa visa process na ito. Merong iba na nakakakuha ng visa ahead of the others. Merong iba na na-extend ang medical, merong hindi. Basta, ang gulo-gulo nila. Ang nakakadagdag talaga ng sama ng loob ay yung may mababalitaan kang nabigyan ng visa na mas later pa nag-apply kesa sayo.
Ako, I don't mind waiting for as long as alam ko ang inaantay ko. Kung alam lang natin na ang pino-process nila as of now ay October 2012 applicants, at least may peace of mind tayo na darating din ang turn natin. Ang mahirap sa pakiramdam ay yung palaktaw-laktaw eh. It's so unfair.
Most of us here are left hanging. I feel that my life is no longer here in the Philippines yet I cannot start my new life yet in Canada. I've said 'goodbyes' to most of my friends already, I've transferred all my work responsibilities to other people, etc. Ang dami na naming plans ng husband ko ang naiba because of this delay. Basta, I am feeling so down already. Akala ko after the strike uulan na ng visa pero hindi pa rin. It's so frustrating.