Matagal na akong di nakaka visit sa forum.... Congratulation sa mga nag DM na at naka kuha na ng Visa...
Doon sa mga waiting pa.. don't loose hope.... talagang mabagal lang ang processing ng CEM...
Share ko lang experience ko sa mula airport hanggang landing..
1. Phil. Airline ang sasakyan namin.. On the day of our flight... Umaga pa lang dinala na namin sa NAIA Terminal 2 yung mga check-in luggage namin.. PAL accepts early check-in kaya dinala na namin parang walang hassle on the hr ng flight namin.. Sa airport, tinimbang yung luggage.. Dapat exact 23K per baggage yung dala nyo.. otherwise talagang papabawasan nila yung laman kahit 1KG ang excess.. Sumobra kami ng 2 kilos kaya binawasan namin.. Buti nagbebenta rin sila ng platic ng bag na parang bayong (200pesos isa)... Doon namin nilagay yung excess baggage... carry-on na lang daw yung excess... so bukod sa dala naming carry-on luggage at laptop backpack meron pa kaming dalang isa pang bag ng plastic bayong.. nag mukhang cheap tuloy forma ko dahil sa bayong (naka Delsey luggage pa naman ako) ...
BTW.. you can ask NAIA for "entry pass" for your family para makapasok sila sa Departure area... You can request the pass 3 days before your flight... Tawagan nyo lang yung NAIA.. (check their website).. Kailangan lang ng ID ng papasok sa daparture para mabigyan kayo ng pass.. may bayad na 50ph yung pass... After mag-iyakan at mag hiwalay.. ibalik yung "pass" para makuha ulit yung ID..
2. Sa loob ng airplane di ako nakatulog sa sobrang excitement... Napanood ko yata lahat ng film/movies na palabas sa TV/Console sa seat na nasa harapan ko sa 12hrs na flight.. BTW.. sa gawing window ako kaya kita ko yung labas... Ang ganda...
3. Bago mag land ang airplane.. bibigyan kayo ng Disembarkation Card ng flight attendant.. Put a Check lang doon sa item na applicable sa inyo.... Gumawa ako ng B4A and B4 ENG form just incase hanapin ng CBSA officer.
4. On landing at Vancouver (YVR) International Airport... Prepare your passport/COPR and Disembarkation Card...
Pag baba di na ako naki pag unahan... sundan nyo lang yung mga kasabayan nyo pag labasan... Pero kung may interconnecting flight kayo papuntang EDMONTON / WINNEPEG ay bilisan nyo para mauna kayo sa immigration.. Yung iba they alot 4hrs time for their interconnecting flight para di maiwan ng plane.. Yung mga nakasabay ko.. naiwan ng flight kasi 1 lang yung immigration officer na nag aayos ng landing process..
5. Pag land ng airplane... as i've said... sundan lang mga kasabay.... Unang haharapin nyo is yung CBSA (passport control) officer. Abot nyo yung passport/COPR at disembarkation card.. Tatatakan ng CBSA yung disembarkation card at ibabalik sa inyo... Sabihin kung may e-de-declare kayo pag tinanong kayo. After ng CBSA kunin nyo na yung baggage sa gitna ng arrival area.. may umiikot doon ng luggage carousel... libre naman ang luggage cart.. humila lang kayo ng isa...
6. Pag nakuha na luggage.. diretso kayo sa immigration office.. may separate room doon sa arrival area.. Iwanan nyo lang yung luggage cart nyo sa labas.. bawal ipasok yung cart sa loob ng immigration office... Pag pasok.. kakausapin muna kayo sa isang corner/booth doon (Newly Landed Immigrants' Counter) at bibigyan kayo ng mga pamplets at discuss sa inyo yung mga gagawin nyo as a new immigrant. Bibigyan din kayo ng number para sa pag pila sa immigration officer.. ( parang number sa mercury drugs pag bibili kayo ng gamot pila-pila din) lol...
7. Pag tinawag na number nyo lapit agad kayo kasama buong pamilya kung may kasama kayo...Ibigay ang passport with COPR and Disembarkation card... Wag kabahan.. tatanungin lang naman kayo kung latest yung address nyo sa COPR.. if not sabihin nyo para ma-update nila sa system... Tatanungin din kayo kung magkano dala nyong money.. pag more than 10K declare nyo... kung less naman sabihin nyo din... After ng tanungan.. pirma sa COPR... at susulatan ng immigration yung passport to cancel the visa.. tutupiin ng immigration officer yung COPR at stapler sa passport.. Yun tapos na.. Itago ng maayos yung passport..
8.. Pwede na kayong lumabas at salubungin ng mga minamahal nyong nag hihintay sa arrival area...
Ang haba na nito.... good luck na lang sa mga waiting......