Instructions in obtaining CAIPS/GCMS notes:
https://docs.google.com/document/d/1OQTsAAxQvcKIlbU0BN_q6uBMVJscihgBynBYDPCAVR4/edit?hl=en_US&pli=1
$5 dollars (cheque or money order) ang binayaran ko. Yung iba na sumisingil ng mas mahal, I think 3rd party company sila na pedeng magrepresent sayo para magobtain ng CAIPS notes. Pero hindi mo na kailangan pang dumaan sa kanila kung nasa Canada naman ang sponsor mo. Fill out mo lang ung form na AUTHORITY TO RELEASE PERSONAL INFORMATION TO A DESIGNATED INDIVIDUAL tapos pirmahan, tapos scan and email mo ung completed form sa sponsor mo. Yung sponsor mo naman fill out nya ung isang form which is ACCESS TO INFORMATION AND PERSONAL INFORMATION REQUEST. Need lang ng sponsor mo ng photocopy ng proof of his permanent residence or citizenship.Tapos send na sa CIC Ottawa. 4-6 weeks bago mo matanggap ang results.Saken 4 weeks lang kasi preferred ko na email nila isend ang resulta.
GCMS na ang tawag sa CAIPS notes, effective this year. Straightforward ang makikita mo don. Andon lahat ng actions na ginawa ng embassy,dates kung kelan nila binuksan, inupdate, re-visit. Andon din kung anong status like PASSED,NOT COMPLETED, etc. Meron ding NOTES part kung saan bawat inquiry na sinend nyo sa CEM thru case specific inquiry email eh nakalagay at kung anong action ang ginawa nila dun sa email mo (kung nagreply ba or hindi or pinrint nila ung attachment if meron kang pinadalang attachment). Sa NOTES part din makikita ang REVIEWS nila sa application mo. Makikita din don ang pagbusisi nila sa BAWAT FORM na pinadala ng mo at ng sponsor mo like ung Financial Evaluation, etc.. Kung halimbawang may slight problem sa application mo such as nirereview ang relationship nyo, may makikita kayong "FOR CLOSE REVIEW" sa observations part ng GCMS.