meechan said:Nabasa ko nga din un... ang concern ko kasi nurse ko pero ang work ko dito sa ph eh sa office. Di kaya mag conflict un? Ay side question.. anung diploma ba dapat ng french sa quebec? Pag direct ka nag pasa ng application sa quebec mismo dapat may proficiency n ng french at ielts?
azzej17 said:guys,
nabasa ko somewhere na we can indicate our related learning experience during our bsn days as work internships.. ano po ang need na maipasa para ma-prove 'to? enough na ba yung parang TOR pero for RLE duties?
thank you!
patina92086 said:I don't think may magagawang paraan ang consultant kapag short ka ng points dahil di mo nameet ang requirements, di ka qualified...maraming consultant na gusto lang kumita kaya ingat ka sa mga yan...marami namang pwede tumulong sayo dito sa forum, try mo muna magtanong tanong dito matagal pa naman uli mag-oopen
depende kasi kung anong diploma ng french ang kailangan mo...like kung meed mo ng additional points B2 ang need mo, otherwise wala naman pero better kung at least may A1 and A2 ka para pampaimpress, wala pts yan pareho
kailangan lang ang french at ielts kung magkeclaim ka ng points sa kanila...pero mas maganda ang parehong meron
the first thing to do is evaluate your points para malaman mo kung qualified ka...![]()
meechan said:Bale ung simula lang b1 ang may points? Anu po ba ang dapat? TEF O TEFAQ? And pag nagpasa po ng application dapat po kumpleto na documents po? Ung as in nasa checklist pag nagpasa dapat andun na po lahat?
And tinatanggap po ba nila ang application kung un nga po na iba profession ko sa naging work experience ko? May bayad po ba ang pagpapass ng application? Marerefund po ba un pag binalik nila application?
meechan said:Hi po thanks po sa info. Pero sir un nga po concern ko iba po profession ko sa exp ko. Nurse ako pero office ang work ko. Eh di po kaya mag conflict po un sa pagpasa ko ng application? Kaya ko po naisip ang consultancy
patina92086 said:B2 ang simula. Hindi naman requirement na magpasa ng french language exams, pwede ka magpasa ng application ng wala ka nyan pero dapat me knowledge ka pa rin para handa in case mainvite sa interview. Dapat tama at kumpleto ang mga ipinasa mong dokumento ayon sa pagkakasunod sunod sa checklist, otherwise ibabalik ang application mo without being processed.
Sa tingin ko tinatanggap naman nila kahit ang work experience mo ay hindi in line sa profession mo as long as pasok ang points mo sa initial threshold at wag lang lagpas ng 5 years ang college diploma mo. May bayad ang pagprocess ang application at once rejected wala na ang ibinayad mo...Iba naman kaso pag ibinalik, kasama ding ibabalik ang payment mo.
meechan said:Hmm e di ba po kasama sa point system nila ung french proficiency? Meaning kung pasok nman point ko okay lang kahit wala muna po un? Meaning po kung kunwari nilagay kong profession is nurse, tapos dun sa work experience eh iba, bilang pa din sa point system ung work experience ko po?
Bale pag di kumpleto po ibabalik ung application ko at yung payment?