starboy77 said:
Hello po, pwede po ask regarding working environment jan sa abu dhabi for nurses? plan po kasi namin mag apply sa abu dhabi while waiting for QSW application,,,kasalukuyan po kaming nag dadataflow for HAAD...any infos po? thanks...
Hi starboy, sige magbigay ako ng overview ng work condition ng mga nurses dito para nadin sa iba na may balak pumunta sa abu dhabi. Ito po ay applicable lang sa abu dhabi, since iba ang salary scale sa dubai at iba pang emirates ng UAE. Multiply nyu nalang po lahat ng number na mention ko sa average exchange rate sa peso na 11.80 php.
Generally, ung mga locals dito ay edukado na so nakakaintindi at nakakapagsalita ng english. Pero meron padin arabic lang like un mga matatanda na tlaga, saka un sobrang bata. Di required magsuot ng abaya dito esp if di naman muslim. In our facility, behave naman ang mga patients, pero meron padin maloloko esp un mga kabataan. Kaya ayun joke time nangyayari. Kapag bastos na, ah ibang usapan na un. Tawag na ng security. hehehe.
Sa leisure naman, meron beaches dito may libre lang, meron din may bayad. Meron din fishing spot libre lang din. Malls, parks, zoo meron din dito. Un lang pag ang temp ay umaabot na ng 50 degrees, usually nasa bahay nalang un mga tao. May mga pasyalan din dito like dun sa dubai, at sa abu dhabi naman nanjan un ferrari world at iba pa.
In terms of salary, private facilities usually give 5,000 - 8,000 aed. But still depende padin sa specialty like for example, un OR Nurse na barkada ko nakakuha ng offer sa isang private hospital ng 8,500 and un isa naman sa endoscopy 9,000. Excluding po overtime jan. Government facilities salary scale on the other hand, starts from 10,400 aed for single, and roughly 13,000 for married. Provided in cash out lahat ng allowances like housing and transportation. This is the salary offer of SEHA Facilities (Hospital, Clinics, Occupational, and school). Kung facilities naman under ng Oil and Gas like ADNOC, ADCO, and Zayed Military Hospital. Mas mataas pa jan ang offer nila like Zayed Military Hospital offers salary of 16,000 aed all in.
Kung sa cost of living naman ang paguusapan, kayu na bahala magcompare. 5 kg of jasmine rice dito nagaaverage of 20 aed. 1 kg na manok naman if frozen nasa 12 aed and if fresh nasa 15 aed. Bus fare, 2 aed kada sakay kahit san sa city na magtravel. If punta naman sa Dubai 25 aed ang bus fare, around 2 hours travel time.
Sa room naman, mejo mahal dito. 1 room usually starts at 2,000 aed per month. If magbedspace naman starts from 600 aed per month. Partition naman (kahati ng isang room) starts from 1,400 aed.
If gusto naman ng kotse, un mga sedan type na brand new like toyota yaris at nissan sunny or tida or altima starts from 40k to 50k aed depende padin sa year model. If second hand naman, makakita ka ng around 20k. Un license lang mejo mahal dito. =)
Sa taxes, wala tax dito sa bilihin at income. usually pag nagcheck in lang sa hotel meron around 16% city tax.
About sa health insurance, provided na ng company yan.
Yan po ang masshare ko sa mga may intention na magtry dito sa abu dhabi. If may gusto kayu iclarify, tanung nyu lang dito. Sagutin ko if kaya. =) God bless and Best of luck! =)