shekinah said:
Dapat dun sila mgquestion sa CIC but wala pa silang AOR. It should be with-in 2 weeks nga kasi acknowledgement yun na natanggap na ng cic yung application.
Bakit kayo natagalan sis ng 3 months ? 2 weeks nga lang na pghihintay nghihinayang na ako.
I agree sis. Kung alam lang nila ang pinagdaanan namin before the wedding and after the wedding. :'(
Nagkaproblem kse kami sa registration ng marriage contract namin. Christian wedding kse kami. Garden wedding. Iba yung pinag-aapplyan ko ng marriage license namin dun sa location where we had our wedding rites. Nung una ayaw tanggapin sa Muntinlupa yung forms namin for registration kse di naman daw dun yung venue so I had to go sa Tagaytay where we had the ceremony.Bago i-forward sa Local Civil Registry yung Marriage Contract namin 2 beses ko ibinalik sa office ng Church kse mali ang mga entry like for instance yung address ng husband ko sa canada. Naloka ako sa spelling ng Saskatchewan ng secretary ni Pastor. hehehehehehehe
Chineck ko munang mabuti yung i-foforward sa sa Local Civil Registry para walang maging problema later on. Pina-endorse ko sya pero nung time na irerelease na yung Marriage Contract namin nagka-problem sa NSO. Nasira yung machine nila for printing. Ilang beses ko binalikan yun. Kse yung spare parts daw ng machine are ordered abroad pa daw.
Di sana kami mag-aapply kse last March I found out that I'm on the family way pero sad to say nawala din sya. :'( Na-stress masyado sa pagpaprocess ng papel.
I was hospitalized. Dahil dun nakuha ko yung authenticated marriage contract namin March.
Pagpunta ko naman sa DFA may kapangalan daw ako na kakukuha kuha lang ang passport. Kaya ayun katakot takot na paliwanag at papeles na pinereset ko sa DFA.
Pero sabi ko nga may purpose why everything had to happen. Tapos wala pa si hubby while all of those things came up. Sabi ko nga nun cguro I'm not meant to live in Canada pero now it seems na there is Someone moving things for us.
Antay na lang for that moment to be re-united with my husband. Parating na rin naman sya in 18 days here hanggang next year na sya dito. Sabay na sana kami maka-alis ;D