Nice to know na marami na rin nakatangap ng PPR kami waiting paring sa visa namin hope malapit na dumating. May idea po ba kayo gaano katagal bago makuha yung visa?
Ang pagdating po ng VISA ay walang kasiguraduhan kung kelan talaga sya marereleased kasi po case to case basis merong mabilis, meron namang pong matagal, meron bago maexpired ang medical ihahabol nila na mareleased ang visa kasi nakasalalay ang expiration ng visa sa medical, meron naman pong na expire na ang medical pero wala pang visa . Sa case ko po pinag redo medical pako bago lumabas ang visa ko so iba iba po at walang exact date , months, time kung kelan lalabas ang visa ng bawat Applicants at walang makakasagot or predict kung kelan talaga kasi po bawat Aplikante ay iba iba ang storya at sitwasyon po .
also need pa bang mag PDOS?
Opo kailangan po nito bago umalis ng Pinas a Applicante na nasa Pinas para po yan sa Immigration sa Pinas chinecheck po yung Passport kung may sticker ng CFO kung naka attend ng PDOS or GCS para makalabas ng Pinas :
PDOS --- ay para po sa Permanent Resident ang status ng Sponsor sa Canada
http://cfo.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1347:for-filipinos-leaving-the-country-with-an-immigrant-visa&catid=139
GCS------ay para naman po sa mga Canadian Citizen ang status ng sponsor sa Canada.
http://cfo.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=1348:fiancee-spouses-and-other-partners-of-foreign-nationals&catid=140