Sa mga medyo matagal na po naghihintay ng update sa application and PPR... wag po mawalan ng pag-asa.
Aside po sa prayers, paglurk sa forum na to get tips, ideas mula pagfile hanggang ngayong naghihintay ng PR (thank you sa lahat ng nagshishare, di ko na maalala san ko nakukuha info ko, kaya tinatry ko din magshare basta alam ko lng un info at wala pa ko nababasa sumasagot).....
binabasa ko lahat ng pwede basahin sa CIC site and sa mga local Canadian government sites para updated ako ano nangyayari sa immigration policies nila. Pati po express entry nga binasa ko hahaha.
Aminado po ang CIC, madami sila backlog specially sa family sponsorship.
Nagrelease sila ng news sometime June...na part kasi ng promise ng current government nila na papabilisin ang processing times specially sa family class. Aside sa processing time, nagincrease din sila ng quota, dumoble. Me quota din ang PRs na nirerelease nila per year, para sustainable ang immigration policy given na ang dami benefits ng Canadian government n binibigay sa PRs and citizens. So in a way me point system din yang PRs, para sino mauuna and whatnot. Kung ano man po yun di ko din masasabi lang.
June lang po narelease yun update na yun, so sabi isa-isahin na linisin un backlog, then yun current applications (June onwards), kung straightforward, di na papatagalin.
Kaya me mga nagoverlap na po ngayon na application. They're tying though, yun sa kin last update, Sabado sa Philippine time. Me nabasa ako somewhere, Sunday sya nakareceive ng update, meron pa nga ng holiday.
So konting pasensya pa po. I know frustrating, pero by sharing this information, I hope somehow me konting linaw bakit ganito sequence ng applications ngayon.
Goodluck sa ting lahat