Hi,
1. Not sure po ako about nicknames (other name used), pero tingin ko po kung hindi legal then wag niyo na po ilagay. Kasi baka hanapan kayo ng government issued proof of identity. If your can change your name sa social media account mo then do it before doing screen shots.
2. 20 photos - I dont think you can do collage, as it says there 20 photos not pages. And okay po siguro yung 3r size ng photo, yun po ginawa namin. Mas maganda po iinclude yung wedding photo po ninyo with your parents, witnesses, guests. And kuha ka na lang ng ibang photo from your outings.
- 10 pages convo- actually kami po 2 pages lang ng convo pinasa namin. Pero screen shot po siya, sa isang page parang 4 screen shots po. isang one day conversation namin sa messenger nung before po ako umuwi nung november. I dont think po kasi na kailangan ipadala lahat starting from the beginning. Ang gusto lang po nila eh makita na may communication kayo, kasi for sure po hindi nila babasahin yun kasi hindi din po nila maiintindihan yun.
- since nandito po kami sa pinas ni hubby and january 7th lang ung wedding namin, eh nag change status na lang po siya. Sa SSS, Pag Ibig and Philhealth. Ginawa niya po akong beneficiary, yung confirmation na print out nung nag change siya ng civil status eh yun po ininclude namin sa application. Hope it helps you