I think it's better na panindigan mo na lang yung nilagay mo sa TRV. Kasi mas mahirap mabanned, pero naiisip ko lang eh kung nag include ka ba ng any government files mo sa application? Like SSS pagibig or philhealth number? Kasi kami nag include kami, ginamit namin un para ipakita na beneficiary ako ni hubby. Kasi kung included yun sayo, pwede nila gamitin ung SSS pagibig or philhealth number mo para itrace ung previous work experiences mo. Diba kasi ung employer ang naghuhulog ng contribution dun. Pero I dont know kung ganun ka-thorough ung pag screening nila sa background . Ung kay hubby na refused siya kasi ang declaration namin eh gf niya ko and mag visit siya sakin, so un ung reasons eh travel history, family ties in canada and country of residence, and personal assets and financial status. So one of the reason ng refusal ng TRV mo eh denial of employment prospects in country of residence? Pagkakaintindi ko eh dito sa pinas eh hindi masyadong in-demand ung work field mo and sa canada mas in demand un, kaya ung reason eh hindi nila inapprove ung TRV kasi baka hindi ka na babalik ng pinas dahil magwowork ka na lang dun.