Hi Guys,
Sa mga naka pag pa-medical na po, ask ko lang kung anu pong mga test ang kinuha sa blood nyo. Nag try kasi akong mag pa pre-med sa office para malaman ang mga dapat kong bawasan or itaas if ever na may Makita sa result na di umabot sa range. And almost normal lahat (cholesterol, sugar etc) except sa ALT (Liver Enzyme) at sa Uric acid. Normal range ng alt is <55 then 73 sa akin tapos sa uric acid is <420 then 475 naman po sa akin. Pero sabi ng doctor is ayos lang daw naman yun diet lang daw, more water at bawas sa acids. Wala namang na-mention na magme-maintenance ako ng gamot. Nagwoworry kasi ako na baka pag sa IOM na is iba ang basa at mapending ang application ko. Sana may makatulong.
Sa mga nag aantay din po ng MR, mag pa pre-med din po kayo para lang Makita ang mga dapat bawasan or idagdag habang may time pa bago yung tunay na medical.

;D