Congratzi!!!
may ikukwento pala ko, i feel the need to share it with all of you, who like me, has been waiting for what i feel is the longest i have ever waited for something i want so bad. Kaninang 4pm novena sa baclaran sa thanksgiving letter na binasa, story ng victim ng 3 storms most recent was yolanda. The wife has been working in hk while husband as a skilled welder in japan since they got married. Sabi sa letter nya nung yolanda wiped out lahat lahat ng pinundar nilang magasawa and they had to come back in the philippines kasi may anak sila. Wala silang matakbuhan nagdasal ng nagdasal, nag apply yung asawa nya as skilled worker sa canada - welder ng november on the same month, natanggap at nakalipad sya. The wife and the kid, nagiintay lang nung march, tinawagan sila ng cem na okay na ung application nila and on the 12th papunta na sila sa canada.
Naiyak ako kasi parang napawi lahat ng lungkot ng pagiintay. Parang pinaliwanag sakin ni Mama Mary na ibibigay nya din ung kahilingan ko pero mas may kailngan lang syang tulungan kaya may nauna. I suddenly realized that we are so lucky kasi nagiintay lang tayo, hindi tayo inuna dahil victims tayo ng calamities. I was humbled. Masayang masaya ako kasi very timely dahil visa na nga lang iniintay ko. I hope ganun din maramdan nating lahat. Inibigay din satin, sa tamang panahon.