Sorry mga kapatid I've been very busy with work lately. Tin, intay intay ka na lang malapit lapit na talaga yan.
Yung nag ask about dun sa brother na married na hindi nabigyan ng visa bka mahirapan ka ng mag-appeal sa decision. Usually they should have sent you a letter stating bakit na-denied yung brother mo. Most probably dahil married na sya and cannot be considered as dependent sya sa parents mo. Alam ko yung iba na nagka-anak pero hindi married nag-iisue pa ng visa. Maybe inquire ka sa Embassy why sya denied.
About naman sa tickets kelangan, I bought it dito sa Canada kasi ayaw ko ng magpadala ng money sa pinas na ganun kalaki (4 kasi yung papunta dito sa Feb). Pare-pareho naman ng price, reliable naman ang expedia.ca or flightcentre.ca. Ang issue ko kasi sa Pinas na travel agent ang dami nilang arte kpag credit card ang gamitin mong pang purchase ng tickets, meron silang dinadagdag na 6% transaction fee dahil nga credit card. Sayang din yun halos 200 dollars di ba. Yun nga lang pag expedia mo buy make sure may dalang tig Php 1,620 sila pag-alis nila dahil sa airport pa sila magbabayad ng travel tax dahil di pa included dun sa tickets na buy mo and also don't forget the Php 550 terminal fee din per person.