hello po sa lahat!
na-experience nyo na ba mag-terminal2 sa naia?yung puro pal international?may nakapag-advise kasi sakin na dahil preggy ako at may 2 bata kami kasama, mas maganda daw ang direct flight. kaya lang di pa namin nae-experience mag-asawa ang terminal2 ng naia, baka mas mahigpit o mas maarte, mas mukhang pera ang mga airport staff.ibig ko po sabihin kc may nababalitaan ako na talagang bubulatlatin ang dala-dala mo, baka kahit hindi naman bawal, i-confiscate nila,kesyo bawal daw lalo n pag pagkain.sanay kc kami lagi sa terminal1 dahil ofw kmi ng hubby ko.saan po mas malayo ang lakarin papuntang boarding area, sa terminal1 or 2?
gusto rin ng hubby ko ang cathay kc na-try na namin ang cathay,may nakapagsabi din na malayo ang lalakarin sa connecting flight to vancouver doon sa hongkong. yung sa experience namin last march sa hongkong, malayo ang nilakad namin doon kc nag-emirates muna kami from dubai-hongkong kc punuan ang manila flight tapos nag-cathay kmi from hongkong-manila. different airlines kc yon kaya malayo ang boarding area. pag same airlines lang naman like cathay from manila to hongkong and cathay ulit from hongkong to vancouver malayo rin kaya lalakarin doon?