Hi all! Share ko lang din ang landing experience naming tatlo (me, hubby and baby). We had a smooth customs and immigration processing from Manila to Toronto. Even with the stop over sa Hongkong (via Cathay Pacific), wala kaming naging problem. Sa hand carried bags namin, super excess na kami (7 kilos each adult lang ang allowed) but because we brought our baby's stroller (graco, yung heavy duty type), nakalusot ang excess na dala namin like can of formula milk, toys at iba pa - sa basket ng stroller namin nilagay. Hindi naman kami kinuwestyon ng customs. I also declared that we brought more than 10K US dollars. Wala namang problem. 130pm kami nagland sa Toronto pero around 2pm na kami nakalabas ng plane kasi sa dami nga ng abubot na dala namin, inayos pa namin. Paglabas ng plane, bago dumiretso sa immigration, inayos pa ulit namin ang mga dala namin. Mahirap talaga when traveling with a baby or toddler for that matter. Anywayze, pagdating namin sa immigration, kami na lang ang bagong dating. As in kami na lang ang ipa-process. Thank God because hindi na namin kailangang pumila. Super dali ng processing. Sign dito, sign doon. Tapos nung ok na, sa customs naman, ask lang kami kung ano ang laman ng 6 balikbayan boxes na dala namin (as in 6 boxes- we paid 200 US dollars sa Cathay Pacific for our excess baggages . Ang excess namin, 2 boxes of 32 kilos each). I just told the female customs officer that the boxes contained assorted clothes, used toys, baby clothes, formula milk, medicines etc). Ganun lang. Ok na raw so lumabas na kami. Tapos, may dinaanan din kaming booth kung saan binigyan kami ng free bag and inside were different brochures/ reading materials on immigration, settlement, child tax benefits etc.