iammrA
Hero Member
- Aug 14, 2014
- 8
- Category........
- Visa Office......
- Manila
- NOC Code......
- 0911
- Job Offer........
- Pre-Assessed..
- App. Filed.......
- 18-06-2014
- Nomination.....
- 07-10-2014
- AOR Received.
- 16-10-2014
- Med's Request
- 10-02-2015
- Med's Done....
- 16-02-2015 Medicals Received: 27-02-2015
- Interview........
- Waived
- Passport Req..
- 27-03-2015 Decision Made: 22-04-2015
- VISA ISSUED...
- 12-05-2015
- LANDED..........
- June 2015
Sapul sa puso to sir manila_kbj ah! Saludo ako sa inyo at sa lahat rin ng mga tao sa likod ng grupong ito. Sa kabila ng mga pagsubok eh nakabangon at ibinigay ni Lord ang the BEST. Malaki din ang naitulong ng mga kaibigan natin dito sa forum na nagpapalakas ng mga loob natin.manila_kbj said:We all have our own stories in search for greener pastures. The steps of going to Canada to fulfill our dreams. Ako naman magkuwento ng aking istorya. Kung paano ako napadpad na makakuha ng visa sa Canada.
In 2010, hindi rin kami pinalad na makakuha ng visa sa new zealand. Subok lang. Sabi ko ok lang, focus muna sa trabaho naming mag-asawa dito sa pinas after all ok naman kami dito sa kanya kanya naming kompanya.
Dumating ang 2013, nagplano kami na mag apply naman sa australia. Hired an agent at ang sabi basta makakuha ako ng 7 in all bands sa ielts, kumpletuhin namin dokumento, sure makakaalis kami. Nakumpleto ko documents after 4 months,lahat including skills assessment sa authorized body nila. Ayun tapos hintay hintay lang.
Dumating ang 2014, may dumating sa email ko na immigration expert ata yun, sabi open daw ang canada for fsw. Then naghanap ako ng forum sa internet and found this one. Nagtanong-tanong lang muna sa proseso. Unfortunately, after 2 days, got my visa refusal sa australia. Parang gumuho pangarap namin kasi akala namin hinihintay na lang namin visa namin dun. I can still remember yung pakiramdam ko when the agent forwarded the rejection email. Grabe half a million pesos, visa processing fee at bayad sa agent na mali ang ipinagawa sa min. Isang taong mahigit na savings namin, dugo at pawis ang puhunan. Yung panahon at pagod na nasayang sa pag-asikaso ng lahat ng documents, our australian dreams collapsed then. Nag-usap kaming family for our next steps and I know I cant dwell into this nightmare. Need to be strong for my family. After all life must go on. Hindi ka pwedeng panghinaan ng loob at magpatalo sa sitwasyon. I immediately went to get all my documents from my agent. Salamat ready na ang ielts. Inasiakaso ko na lang wes. Masakit na karanasan pero continue lang sa aking daily routine and tried my very best para lumakas ang loob ng aking pamilya na nasaktan din sa pinagdaanan namin. And the rest is history. Always praying kay God na ibigay nya sa amin itong Canadian visa this time. Thy will be done. Salamat sa Kanya at sa lahat ng paghihirap, sakit, nagawa nyang ituro ang bagong daan patungo sa katotohanan. Bagong pagsisimula, mga bagong pagsubok, we're moving to our next stage and we are still asking for His guidance, to give us strengths to fulfill our dreams.
Salamat sa forum na ito at sa mga tumulong in filling out the forms. Mas reliable kayo sa mga agents(encoders). Salamat sa mga sumagot ng mga katanungan ko, mga nagpalakas ng loob ko sa panahong muntik na akong sumuko.
Sa lahat ng mga nangangarap at naghihintay, trust in the Lord and He will lead us the way. Keep your dreams alive, go for it. God bless everyone! Sana makuha nyo na ang visa nyo and let's go to Canada!
God bless you manila_kbj! Cheers!