+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
matzpack said:
Hello everyone..

Sino po ang nag DIY dito? tanong ko lang kung magkano total estimated fees na babayaran...lahat lahat...

Para macompare ko sya sa magagastos ko kung kukuha ako Consultant..

Thanks in advance.

;)

For comparison lang din:

WES - 15,000 (included na yung courier - separate ang mailing ng diploma and TOR ko, ksali na Rin ang nabayaran ko sa school for the request)
IELTS - 18,000 ( 9k each kami ng husband ko.. I asked him to take the exam too para May room for error ako sa akin)
NBI - 280 (140 each kami ng husband ko)
Bank cert - 100 (paid to BDO)
Courier fee DHL - 1780
photos - 300 (for me, husband, and baby)
Passports - 2500 (husband and baby)
Misc: NSO docs, photocopies, office supplies, gas - 3000 (we have to travel to next town for our IELTS)
Demand draft - 53,000 (BPI)

TOTAL: PHP93,960

Kung kumuha ako ng consultant.. 75,000 ang hinihingi nila. Kaya nag DIY nalang ako... Balita ko kasi halos Wla Rin namang Gagawin ang agency kasi Ikaw pa Rin naman ang mag aasikaso ng lahat ng requirements.
 
grabe ang mahal naman ng ielts ngayon tapos may wes pa
parang wala pang 40,000 ang gastos ko noong 2008
 
Habang may manloloko, may naloloko.

Good morning 2014 FSW pinoy applicants! :-)
 
prob ko din yung COE, hindi nila nilalagay yung hours per week, hmm, hindi ata pwede :(

sa WES application nyo ba, mabilis lang in-acknowlege ng WES nung nadeliver na ng courier? nagcheck kasi ako ng status sa DHL, nadeliver na nila, hmm, kaso, yung status ng WES ko, waiting for required documents pa din, nag-email na ako, pero wala pang reply :(
 
fanmail said:

Matagal talaga mag update minsan. Wag mo nalang muna isipin, magugulat ka nalang nandiyan na. :)
 
^ahh, thanks po :) kala ko on time mag-update, para sa courier lang, LOL, kasi lam kong matatagalan ngayon, may notice kasi sa website, pero sabi ko, hala, bakit parang hindi nakarating, hehe
 
cnd_2014 said:
wow nangunguna si NIaPat sa race hehe
=> https://docs.google.com/spreadsheet/ccc?key=0Aimbg4AqF6tTdGVCQXRxT1I0UmhVblg1Y2xnUmVEZnc#gid=0

ambilis nung mga 1st and 2nd May Applicants sa global forum, may mga medical request na!!!! Kaya naman minamadali ko na ang essentiale forte meds ko, nakaubos na ako ng 70 capsules (ginawa ko nang 2 capsules per meal so 6 times a day) hahaha. para come medical request, normal na ang liver ko hehehe

=> https://docs.google.com/spreadsheets/d/11gAbKSoDoOr1s8_raB1qwz0i-ZH0NyNWhhn18O6kHwQ/edit?pli=1#gid=1627896255

But then again, Lord please I'm really hoping for a nice birthday gift. And I pray that everyone on this forum, including me, will receive a PER ;)

Amen

Hello,

paano ba mag add dyan sa spreadsheet. I sent my app lastnight. :-)
 
neilphysio said:
Thanks po cnd_2014! mejo mhirap din po kc magpabago certificate details d2 sa work ko, yun pong ibinigay nila generic COE lang, tapos monthly salary lang daw po pwede ilagay..nag-request na lang din ako ng reference letter sa head ng department namin for job description.. ok lang din po kaya kung monthly salary lang ang nakalagay sa COE?

hello neil, i see. I also have a generic COE na ang nakalagay basic info lang pero unlike yours, ang nilagay nila is total annnual salary (not monthly). Since basic lang nakalagay, nagpagawa din ako affidavit na nakalagay yung ibang required details sa checklist # 12 ata yung ng docs checklist. Kung ano yung nandun, dapat nakalagay sa reference letter mo kasi mahirap na baga maging cause of rejection pa :D

Kasi ang nakalagay is total annual salary, i'm not really so sure kung pwede na ang monthly salary (I need help from other members na may PER na if tinanggap yung monthly salary lang)

Bka pwede mo ipalagay na din yung total annual salary mo dun sa reference letter mo na ni-request mo sa dept. head.

Good luck! :-)
 
fespenido said:
Hello,

paano ba mag add dyan sa spreadsheet. I sent my app lastnight. :-)

hi fespenido, please enter your details in the following links:

PINOY FSWP 2014 Entry: http://tinyurl.com/FSWPinoy2014

GLOBAL FSWP 2014 Entry: http://tinyurl.com/FSW14-Entry

Waiting game ka na din. Good luck! :)
 
Thanks cnd_2014.

Oo nga eh, start na waiting game namin.
Sana palarin tayo lahat.
 
^ welcome fespendido :)

Hello guys,

I came across the following site (Medical Examination for Canada Visa Applicants) held at St. Lukes.
=> http://www.slec.ph/canada-visa-applicants.shtml#required-exams

Pero bakit parang wala atang SGPT/SGOT (liver test)?

Medical Examination Requirements
-Physical Examination
-urinalysis
-CXR
-HIV
-Syphilis

Ayan lang talaga ang required test nila? Wala ng ibang blood test required? if meron, ano ano pa kaya?

Also, If I am currently working in Malaysia, do I need to take the medical exam sa Pinas? Since Manila VO nilagay ko sa form or pwede dito sa Malaysia and padala ang result sa Canadian Embassy sa Pinas?

**assuming I will receive a PER. Excited lang sa Medical Exam :D**
 
Willow05 said:
For comparison lang din:

WES - 15,000 (included na yung courier - separate ang mailing ng diploma and TOR ko, ksali na Rin ang nabayaran ko sa school for the request)
IELTS - 18,000 ( 9k each kami ng husband ko.. I asked him to take the exam too para May room for error ako sa akin)
NBI - 280 (140 each kami ng husband ko)
Bank cert - 100 (paid to BDO)
Courier fee DHL - 1780
photos - 300 (for me, husband, and baby)
Passports - 2500 (husband and baby)
Misc: NSO docs, photocopies, office supplies, gas - 3000 (we have to travel to next town for our IELTS)
Demand draft - 53,000 (BPI)

TOTAL: PHP93,960

Kung kumuha ako ng consultant.. 75,000 ang hinihingi nila. Kaya nag DIY nalang ako... Balita ko kasi halos Wla Rin namang Gagawin ang agency kasi Ikaw pa Rin naman ang mag aasikaso ng lahat ng requirements.

Thank you very much for the reply, Willow05. I would also like to ask ano ung demand draft na 53k? eto po ba ung application fees na binayad mo upon submission of documents?? thanks
 
matzpack said:
Hello everyone..

Sino po ang nag DIY dito? tanong ko lang kung magkano total estimated fees na babayaran...lahat lahat...

Para macompare ko sya sa magagastos ko kung kukuha ako Consultant..

Thanks in advance.

;)

Hello matzpazck

Eto mga fees ko with consultant ako..

75k sa CIC
2900 Courier Fee sa application
Approx 14k sa WES
sa documents ko na inobtain ko sabahin mo ng nakagasto ako ng more or less 10k.
Bank Draft 49k.
Ok dn naman may consultant para maistress kna sa una palang para pag nasubmit na medyo kampante ka na..

Thank you.
 
I just got a response from the other thread.

For those working abroad, no need to travel to PH for the medical exam. There are panel physicians in your country/territory that will conduct the test.

Here is the link to find a list of panel physicians.
http://www.cic.gc.ca/pp-md/pp-list.aspx

**mejo nagpe-prepare lang sa medical exam hehe but PER please come to me hehe**
 
noeltheonlyone said:
Hello matzpazck

Eto mga fees ko with consultant ako..

75k sa CIC
2900 Courier Fee sa application
Approx 14k sa WES
sa documents ko na inobtain ko sabahin mo ng nakagasto ako ng more or less 10k.
Bank Draft 49k.
Ok dn naman may consultant para maistress kna sa una palang para pag nasubmit na medyo kampante ka na..

Thank you.

so yung 75k sa CIC, eto po yung bayad sa agency nyo?

ano po yung complete name ng agency nyo, if i may ask?
(CIC din po kasi yung pinagpapasahan natin ng application for FSW 2014 - http://www.cic.gc.ca/english/information/applications/guides/EG7TOC.asp)

let's do the math:
75,000 (CIC)
2,900 (courier)
14,000 (WES)
10,000 (other docs)
+ 49,000 (demand draft)
-----------------------------
P150,900 total gastos thru agency

+ around P500,000 proof of funds

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

kampante din ako pagkatapos ko magpasa ng application at sundin ang mga instructions/requirements ng CIC.
malaking tulong din na nakatipid ako ng P50k to 70k kung dumaan ako sa agency at nagastos sa ibang bagay
yung pondo.

mababasa din naman dito sa forum ang mga kasagutan na madalas tinatanong ng mga applicants sa mga agency nila.

To each his own...