Salamat sa inyo. Problema ko ngaun ang NBI n yan kc andito ako, hubby at baby ko sa Canada. Binigyan lang ako ng 30 days ng Manila VO para magsubmit ng NBI. Sa ngaun NBI Form 5 plang meron kame at naka schedule palang ang fingerprinting nmin ng hubby ko sa Aug13 dito sa local RCMP (police station) tapos send pa nmin ung NBI form 5 sa phil consulate para i-authenticate. Malamang matatagalan un matapos knowing our system. Tapos ipapasend ulit nmin dito sa home address nmin sa Alberta ung na-authenticate na forms tapos saka ko pa isesend sa sister ko sa pinas para iprocess sa NBI Taft. After that, isesend ulit nya dito sa Canada para i-affix ang mga thumbmarks nmin ng hubby ko. Tapos saka ko pa maiipasa sa Manila VO ang NBI n yan.
I know dapat matagal ko ng inasikaso yan, kaso db April 26 lang nag-announce na bbuksan ulit itong FSW? tumawag n ako sa mga Phil. Consulate na malapit dito (Edmonton and Calgary) kaso ayun awa ng Diyos puro voicemail lahat kaya nagsend nalang ako ng letter sa Phil Consulate sa Vancouver pa un ha pra sana sendan kame ng NBI Form 5. After 48 years pa nakarating sa bahay ung prepaid envelope namin na naglalaman ng mailap na NBI forms na yan. Kaya ayan, kumusta nmn, sa aug13 pa ang fingerprinting.. Pupunta sana kme ng hubby ko mismo sa Consulate kaso kabuwanan ko nmn noon kaya hindi ako pd magtravel. At habang abala ako sa pagiisip ng NBI form na yan e napaanak na ako nung May14, hay naku po. Puro by appointment pa nmn dito sa Canada, di pd walk-in kaya kahit nagmamadali kana e wala ka choice kundi mahintay.
pano kaya un? within 30 days lang palugit samin, nakakstress.
sulat nlng ako sa CEM about my situation here. Masaya akong may progress na ang apply namin kaso natatakot nmn ako.
sana nmn iconsider nila ang hirap ng NBI processing pag andito sa malayo at sana hindi nila ireject ang apply ko. Hay buhay!