bebe05 said:
Hello guys...PER didn't reach me yet...OMG I'll stop pressuring myself na, makapag unwind na muna nga somewhere else, away from my computer.hehehehe
Anyway 89 days pa lang naman, napabilis lang yun 84 days from new delhi.syempre it's a case to case basis. Makapag plant muna nga ng trees... ;D ;D ;D ;D ;D
Goodluck!!!
hay naku bebe oo nga naman, ako nga minsan ginagawa ko 1-2 days na di nagchcheck about this immigration status para naman magkaroon ako ng peace of mind
beau said:
FYI
december 9 reCvd his PER on march 3......
hopefully m next......
good luck, mamyang gabi na yan... kami siguro by next week na if di aabot sa saturday
el scorcho said:
Hi Doc Carl/Lizz,
My daughter is under Primary Complex treatment. cleared na sia actually sa pedia (6 months ung gamutan) nia pero inextend ng another 3 months para sigurado. nadeclare ng wifey ko sa medical exam na under PC treatment sia. dirin ako mapakali kc baka maging reason un ng negativ feedbak from the VO, although sabi ng DMP marami naman daw nakakaalis na may ganon ung mga anak nila after treatment. is PC for children communicable ba or hindi? pls advice. med exam ko d2 sa overseas on march 8. thank u.
tinanong ko din yan dun sa kabilang forum if pde ba hindi ideclare if it was already a year ago? di ba makikita yun sa baby's book?
eto sagot nila:
yes puede mo hindi ideclare, ako honest ako kaya ideclare ko yon anak ko na nagka primary complex when he was 5yrs old pa. kaya yon humingi sila ng med. certicate na complete nya lahat ng meds. nun nagka primary complex sya. ang ending clear naman Xray nya, ang toxic hinanap ko pa yon dr. na bigay ng meds sa anak ko 7yrs ago pa at ilan balik ako sa st. lukes. payo ko lng wag mo na sya ideclare...
=====
sa akin siguro idedeclare ko din and papagawan ko lahat ng supporting docs sa pedia nya para wag na silang magrequest ng mga additional tests pa
marijoychristine said:
hello guys.. meron ba dito sa forum natin na under carreer opportunity agency? may collegue ako na under ng agency na to.. she was told daw on the first week of november 2010 na filed na yung application nya.. pero until now wala pa syang PER.. i told her to check her email including the spam pero sabi nya lahat daw ng correspondence regarding sa application nya agency lang nakakareceive exclusively.. she doesn't remember putting her personal email address in the application form..
so kinausap nya yung agency, she was told na wala pa din daw update from CIO.. so i asdvised her to inquire the filing date, tracking number, receipt date of her application and check with the bank the status of her bank draft.. i shared with her the things i learned here in our forum and those simple data are very important in checking your status..
sabe daw sa kanya ng agency di daw nila masasabe yung mga details na hinihingi nya and that there is currently a delay in CIO.. that's when she begun to argue.. so in the middle of the arguement, her agent told her she might need to submit another IELTS result in GT module.. ACAD pala ang nirequire sa kanya ng agent nya para she can hit 2 birds in one stone daw..
we concluded na yung agency is concealing something from her.. maybe her application was returned because of her ACAD ielts..
so guys, is there a way she could track down the status of her application? and kung may mwembers tyo na being assisted by carreer opportunity, nagupdate na ba sila about sa PER nyo?
actually may option na pede mo iwithdraw ang representative mo and you want it to file on your own, check mo sa guide andun yun, for now, inquire ka na muna sa status mo at yun tama sabi nila, email ka with all your personal details especially passport details at yan ata binabasehan nila, then with your own new email na para dun na sila magsesend sayo, at least malalaman mo kung ano na nangyayari, or you can call them, pero try mo lang since di na ata sila nageentertain ng calls outside canada pero try mo mas mabilis yun, ready mo lang lahat ng docs mo for verification
dun naman sa agency mo, if di sila makapagbigay ng details, try mo kontakin yung pinakahead nila or visit their office, at magreklamo ka, minsan ako pag may kelangan ako na di maibigay ng consultant ko sa cebu, deretso ako sa head nila sa manila, then reply agad, so try mo din yan
bohfil said:
about medical di ka kinakabahan?? kasi we dont know kung ano makikita nila diba.baka somethings wrong in us that we dont know
di na bohfil as in stop na kabog ng dibdib once I have my per
, walang hindi nagkavisa coz of medical, ang alam ko lang may narefused coz of criminal records, kahit nga may cancer nakaalis pa rin, and may previous applicant din na inabot ng halos 1 year yung delay ng visa nya coz need pa itreat yung daughter nya dahil nakita na may primary complex sya at shock sila lahat since sa medical na nalaman at walang symptoms, so yun usually mga scenario, so may delay lang minsan sobra pa ng 1 year but in the end visa pa rin ang result, hirap nung wala pang per, pede ka pala hindi eligible na makaalis, kaya yun ang palaging nasa isip ko kaya super nerbyos hehehe, nun kasi wait pa until dumating mr from VO yung mga before june 26 na mga applicants before nila malalaman if they are eligible, sa atin sa CIO pa lang malalaman na, after nyan tuloy tuloy na yan if ever may delay man sa system na ng VO yan so we just have to wait until we have our visa
bohfil said:
hi tanong ko lang
para san ang sterilized milk??? as in yung bear brand sterilized ba ?
sabi nila para daw maclear yung xray mo, as in walang makikita na scar or anything
yan daw usually ginagawa ng mga ofws, yung bear brand sterilized nga
carl128 said:
Thanks, oo nga para san nga pala yung sterilized milk? a alam ko na para maka pag produce ng "poops" (kung sa clinic ka pagagawin).. BTW ask ko sa mga nagpamedical san kayo pinag produce ng "poops", dunsa clinic o sa bahay?
di ba walang stool exam sa medical? urinalysis lang at cbc at PE?
dream011882 said:
guys, thank you very much sa inputs. Well, I have to ask my OB regarding x-ray. Any idea kung san mas maganda manganak sa Manila na or Canada?
syempre mas maganda sa canada since citizen na agad, but dami factors iconsider, yung gastos if di pa kayo covered sa healthcare and yung pag settle nyo, kung dito naman, ok din naman need lang ng additional processing sa VO