kristineR said:Tumawag kasi ako sa BI, baka daw kasi magkaroon ng problema sa immigration at ma-hold pa kami. Magpa-register na daw kasi sa CFO para walang problema. Kasi tatanungin daw tiyak sa immigration kung hanggang kelan namin balak mag-stay, e sabi ko nga depende sa work permit ng asawa ko. In that case daw, pwede talagang for good na kami dun lalo pa pag nag-apply na kami ng PR. So, tumawag daw ako sa CFO which i did naman after our conversation. Sabi naman sa CFO, di na daw namin need mag-register sa kanila (yun din naman ang alam ko dati pa). For first time immigrants and spouse/fiance etc ng mga foreign nationals lang ang kelangang mag-register. E nalito na din ako, dapat pala di na ko ulit tumawag sa BI. Hehe! Pero ok na din diba, at least alam ko na ngayon. Kaya tinatanong ko din kayo kung 1way or round trip ticket ung binili nyo, para gaya-gaya lang ba. Haha! Ksi kung hindi nmn kayo kinwestyon, malamang di na din kami kekwestyonin.
And oo nga pala, linawin ko lang ulit. Hindi na kayo nag-PDOS diba? Di na din kelangan ng OEC kasi di nmn tayo contract worker. As in wala na kayong ibang pinuntahan or kinuhang documents bago kayo umalis? Pagka-receive ng visa, buy na ng ticket at fly fly na? nung tumawag din kasi ako dati sa POEA pag daw Worker W-1 category ang visa, wala nang ibang kelangan. Diretso na daw sa airport. E sa dami ko kasing tinawagang government agencies dito satin halos lahat sila hindi familiar sa Spousal Program na to ng Canada. Napakalaking bagay talaga ng forum na to. I'm so blessed nakita ko kagad to when I searched Google about spousal open work permit. You guys are such a big help. And sana maging malaking tulong din ako sa iba nating kasama dito. Thank you so much ailooney. I always follow your entries. Thank you talaga.
Hi Kristine!
Pasensya na at sa inyong lahat pasensya na rin,, medyo madalang na ako makaopen ng forum,, busy kc,, nagstart na kc magschool ung daughter ko.. tapos magwiwinter na busy sa pagshopping ng mga winter stuffs,, hehehe,, ang hirap din kc pag konti lng gamit,, pag kumapal na snow d na rin basta makakalabas..
about dun sa question mo.. ung kinuha ni hubby na ticket is 1 way din lang,,, i guess wala naman magiging problem dun if ur visa for your kid is a visit visa at 1 way lang ang ticket nyo,,, understood naman un na d pa pde ang study permit since 3 pa lang xa.. usually nga is 5 ang nagschool dito.. and i think kung mag ask man ang IO sa atin kung bakit 1 way lang ticket nyo pde mo naman sabihin na nakadepend ung stay nyo sa visa ng hubby mo.. if maextend ung permit ni hubby u can apply for an extension, kung hindi naman (at wag naman sana, hehe) in that case sabay sabay kayong uuwi.. pero i think d na rin naman cla magtatanong about the ticket.. sa experience ko kc,, ang tanong lang sa akin is "nasa Canada husband mo?" and that's it.. wala ng iba pa,, sabi ko mukhang aware na ngaun ung mga Immigration Officer sa atin about our visa.. at isa pa mas mabait nga ata cla pag kita nila na me kasama kang bata.. heheh,, sa akin kc mabilis lang talaga.. pagkasagot ko ng opo, tatak agad sa passport namin mag-ina.. nahirapan lang talaga ako sa bitbit namin mag ina.. me mga gamit kc akong dala na di pde sa luggage kaya hinand carry ko,, eh mabigat din,, tapos delayed ung flight nmin to korea tapos ung next flight is on time kya naghabol talaga kmi.. pero with God's grace where now here and really trying to adjust... as in sobrang lamig!!! buti na lang ung daughter ko,, adjusted na... she loves her new place,, even sa school,, 3rd day iniwan ko na xa, sinundo ko na lang nung uwian na.. binilin ko na lang sa teacher,, and i'm glad naman kc khit d pa xa marunong mag-english, nakakaintindihan cla ng teacher nya..
about naman sa PDOS,, wala tayong PDOS,, pero un atang dumaan ng agency ang process,, nagPDOS cla.. actually nung kinuha ko ung e-ticket tinanong na rin sa akin yan nung agent ng Korean Air,, kc d din xa aware sa visa natin,, sabi ko nga wala tayong PDOS,, d daw kc nya maadivse kung anong docs ang kelangan natin,, pero wala naman hiningi docs ang IO sa atin kundi ung passport namin.. pag ata nagpPDOS sinasabi ung mga bawal dalhin,, just a piece of advise, wag kang magdadala ng any kind of nuts.. bawal un.. ako natakot talaga,, kc me dala akong 1pck ng mani sa luggage,, buti na lng nakawrapped xa ng mabuti at nakaipit sa mga damit namin kaya di na cguro nakita sa xray machine,, pero as in kabog ang lola mo hanggang d kmi nakakalabas ng airport ng Calgary.. kc before kmi bumaba sa Vancouver ung attendant ng Korean Air me binigay ng declaration card for Vancouver Immigration, ipifill-up mo un tapos idedeclare kung ano ang dala mo,, in my case d ko na xa deneclare,, bad ano?? kc naman konting konti lang un,, padala lang sa akin,, inisip ko na lang kung makita nila at kunin, e d knila na.. at kung harangin ako e bahala na.. hehehe.. basta as much as possible research mo na lang sa google ung mga pde at bawal dalhin para no worries.. sa Immigration ng Vancouver, hiningan ako ng copy ng work permit ni hubby, ihanda mo na rin lang un,, just in case,, ung iba kc hindi na hiningan,, if u still questions,, ask ka lang,, marami tayo dito,, d man ako makareply agad,, i know me magseshare at magseshare ng ideas nila... =)
at sa lahat ng approved na ang visa, congratssss!!! be ready na sa snow!! hehehe... sa lhat naman ng waiting/on-going ang application at mag-aapply pa lang.. Goodluck!!! Just keep the faith!!! God is good!! God Bless!! =)