Mga Kaibigan ko na nasa Singapore at iba pang Pinoy na makakatulong, me tanong po ako, (Pasensya na po kung natanong na 'to at nasagot na, di ko po kasi makita, 1 week na ako nagbback read.) kami po ng aking asawa ay nasa Singapore nagtatrabaho at gusto po namin mag migrante sa Canada, ako ang nag-aasikaso nito dahil ako po talaga ang mas me gusto lumipat, pero ang main applicant namin ay ang aking asawa. Tanong ko po, sa aling NOC po sasakto ang profile nag asawa ko, which is Director of Operations sa isang Interior Design Firm? Saan po ba ang malaking chance makapasok, Interior Designer kasi is B while ang Management positions is O, pero ang plan po ng aking asawa is mag Interior Designer and/or magturo kung makapasok kami sa Canada.
Marami pong salamat!
EDIT: EE po pala plan namin. Pasensya kung me mali2x, nangangapa pa at the moment.