hello po! it's been a long time since nakapasyal ako dito sa forum. although i had not been that active before.
mag 3 months na kami this end of the month. medyo naka adjust na rin kahit papano. may work na kami ng husband ko.
nasa school na mga bata and their enjoying it here. masarap kasi malamig. at malakas talaga purchasing power ng dollar. dami na mabibiling pagkain ang 100 dollars. mahal lng rent. 1k per month ang sa amin pero 2br apartment na at maluwang at maganda location.
sa awa ng diyos enough naman sweldo namin para macover lahat ng expenses at meron pang set aside na konti. wala pa kami nareceive na child tax benefit we're still waiting for it. additional savings na naman kung sakali.
dumating pr cards namin after 1 1/2 month since nag land kami. nasa school din ako ngayon taking up business law and taxation. kailangan para sa assessment ko sa ICAO at sa trabaho. malaking tulong yung pagenroll ko agad kasi alam ko isa yun sa mga factors kung bakit ako nahire agad sa line of work ko. mahirap pagsabayin ang work,school and family pero ganun talaga. sacrifice lng talaga kailangan when you want to succeed here.
mahal lng talaga mga damit at gamit dito pag convert mo to peso. kaya malaking bagagy yung pof talaga to help you get settled. ang bilis kayang maubos nun dito. lalo na kung nag rent ka agad at di makahanap agad ng work. madami pa rin kasi dito ang walang trabaho. yung iba naman part time lng at minimum wage lng talaga.
that's it for now. sana nagbigay ng additional info tong post ko. good luck sa inyong lahat! sana makapunta na rin kayo dito. maganda talaga dito, peaceful at malinis. disiplinado mga tao. at madaming benefits mula sa government.