Kumusta sa mga kapatid nating CPA, umaasa ako na mapapabilang din ako sa inyong grupo balang araw. Will be starting the DAP UBC Program this May 2016. Wala akong accounting background dahil college teaching ang trabaho ko sa Pinas. Sobra-sobrang hirap at depresyon ang pinagdadaanan pero lumalakas ang loob na magtagumpay sa bagong kakera na sinisimulan. Dun sa mga nagtatanong kung anong katumbas ng mga degrees natin, sa karanasan ko sa UBC, ang master's ko sa Pilipinas (UP) ay katumbas lang ng undergraduate degree dito. Kaya nila ako tinanggap sa DAP, UBC ay dahil may master's ako at recognize yung University. Isa kasi sa requirement sa admission ng mga prospective students ay may undergraduate degree na bago mag-apply sa DAP Program. Discriminating yung sistema kasi hindi katulad ng WES yung equivalencies. Tinanong ko dati ang UBC kung tanggap nila ang WES Assessment, hindi daw. Buti pa sa US, Australia at Europe, kinikilala ang ilang schools sa Pilipinas at tinatanggap ang mga degrees nito na katumbas nung kanila. Grabe talaga ang Canada! Feeling ko binusabos ako. Pero ayos lang, kasi sa hirap ng pinagdaanan ko dito na halos maghingalo ang aking self-esteem at parating sumsakit ang katawan (kasi nagwork bilang CLEANER at HOUSEKEEPER sa hotel), lumalakas ang loob ko na i-pursue ang bagong career kahit akoy 40+ na. Maraming stumbling block along the way (mga kakilala at minsan mga mahal sa buhay na nagsasabing bakit di ibang kurso ang aralin na mas malaki ang kita at di pa matagal ang pag-aaral, kasma na dito ang sariling pagdududa)). Pero I just have to stand tall. This is it! Pansit! Minsan nanghihinaan ng loob pero balik lang uli sa paghugot ng motivation at inspiration sa mga paghihirap dito. My misery feeds my hunger for success...