Bro, ayos lang pa renew mo yan para wala ka na problema.. mas magastos at matagal kung dun ka sa Canada paparenew. Isipin mo pa na ang lalayo at iilan lang ang lugar na pwd ka mag renew. Napa renew yung sa akin kahit may almost 2years na validity pa yung sa akin.
Pwd ka papa appoint sa DFA manila pro halos abutin pa yan ng isang buwan saka ma release.
Bro, kung may ticket ka na at malapit na alis mo pasok ka sa emergency cases nila. pwd ka na hindi mag pa appoint.
Dalhin mo lang to.. ipapakita mo yan.
- Original valid contract or Certified True Copy of employment contract and/or Job Order.
- Overseas Exit Clearance (OEC) from POEA.
- Confirmed plane ticket/ flight details.
Note: Presentation of plane ticket/ flight details and application for visa does not guarantee approval of request.
- Request letter from employer overseas.
- Itinerary of Travel
Bro mas maayos kung sa DFA Aseana ka dun makaka upo ka pa. Sa Ortigas kasi ang haba ng pila. Pag na process na yan.. within a week makukuha mo na passport mo. Agahan mo lang 7am ay nagpapasok na sila, para umaga ay tapos ka na. Kaunti lang naman ang kumukuha ng passport under emergency cases.