Sabi naman ni Ms. Lilian 1 month to 1 1/2 month (from May 21) before they can get back to us, so let's give them some time pa. Isang buwan pa lang naman. Malamang may mga processes pa ang mga employers that they need to undergo bago talaga mag-bigay ng go signal. Di naman yan kaagad agad. Pero in our case sa AIPP, mabilis pa nga ito na buwan and days lang bibilangin natin, unlike sa ibang programs na taon ang binibilang.
Lahat naman pati ng news sa net regarding NB's nursing home ay regarding sa staffing shortages, so she's really saying the truth that they need people in their industry. Wag masyado intense na bakit tayo di sinasabihan kung pasok or hindi. Malamang busy sila at tuma-tumbling dun sa mga dapat hingan ng approval (employers, government approval etc) para mapabilis na ang pagkuha sa atin. So kapit lang tayo at manalig. Malay nyo this week or next week may golden email na tayo. It's just a matter of time.
Dasal lang at maging positibo.