Yup. Pwede mo lang gawin yung upfront medicals niyo sa SLEC Ermita kasi nung una na pumunta ako sa SLEC Global, hindi sila pumayag. Kailangan na may utos na ng embassy na magpa-medical. Sabihin niyo lang na "Upfront Medical' gagawin niyo at wala pa kayo g filiing number. Prepare lang kayo ng 5,000 plus for the medical (di na ako sure sa exact amount eh) pero if nurse kayo, may tattoo (kagaya ko) at may second piercing sa tenga, mag-aadd kayo ng 2,800 plus (di ko rim sure ung excat price na) Basta in total, ang binayaran ko mga almost 8K din. Mabuti-buti na rin yun kesa kung magpapa-medical ka kun ppunta ng US kasi 10,000 plus pa talaga yung sa kanila.
Nakakalul? Ang mahal pala talaga magp-medical! Hindi biro. E galing pa naman ako ng Bacolod, so effort talaga pero worth it naman. Hinhintay ko na lang visa ko. ;D
Mas maganda talaga pmedical na before mag-apply kasi in case na may makita sa inyo na d maganda sa result (Huwag naman sana) may time pa kayo para maayos. Kasi ang sa nabasa ko, kung me problema sa baga, it can delay your application minimum of 2 months to 6.
Tsaka, di na kayo magkakanda-ugaga na hintayin pa kun kelan nila issubmit yun sa embassy. Kasi yung nga sa akin, almost 1 month bago nila pinadala. Di ko alam bakit ganun katagal pero buti na lang at nauna na yung medicals ko.
Valid for 1 year pa naman yung medical results niyo eh. Tip ko lang, wag kayong pumunta ng Monday to Tuesday kasi super siksikan ng mga tao dun. Thursday ako nakapunta dun and medyo OK lang yung magpapamedical. Natapos ko din in 1 day.
Goodluck sa atin lahat! Kaya natin to. Aja! :-* ;D