Kaya pa po boss. Basta po at least 3 months before the start of program eh safe pa po.. IMO, much better po ang paper based application at upfront medical. Sa VFS po kasi nache-check na nila if complete na ang documents mo at kung tama pagkaka-fill up ng mga forms. Saka po sa paper based application, isa-submit na ang passport. So pag approved na application mo, tatatakan na lang ang passport mo. Unlike sa online na ire-request pa ang passport bago tatakan, which is additional time pa kasi pupunta pa ulit sa VFS. Upfront medical kasi po required naman talaga sa pinas applicants ang medical. Saka para malaman mo agad if may prob sa medical mo at ma-address mo agad. Kesa hintayin mo ang request ng embassy for medical tapos may prob pala, halimbawa hypertension or hazy x-ray result.
Ako lang din po nag-process ng application ko,walang agent