Tanong: Ano ang pagkakaintindi mo sa non-accompanying?
1. Isasama mo sa application mo - meaning kasama sila mag immigrate?
2. Hindi mo isasama mag-immigrate?
Ang ibig-sabihin ng Accompanying/Non-Accompanying dito is - ulitin natin ang post:
Example 1:
"Kasama sa application" - isinulat mo ang mga pangalan nila as dependents (kasama sa application pa din), pero inilagay mo na Non-Accompanying sila.
So kung ganito - declared as dependents sila sa application, pero Non-Accompanying - so di sila kasama sa bibigyan ng visa. Mag-aaply sila as PA ng sarili nilang PR application. In this scenario - di mo kailangan bayaran ang RPRF nila. Sila na ang magbabayad nun sa sarili nilang PR application. Bale hindi sila kasama sa pag-immigrate mo sa Canada. Pwede pa rin sila mai-sponsoran sa ibang panahon, dahil na-declare mo na sila as dependents. Or mag-apply sila ng hiwalay.
Example 2:
"Kasama sa application" - isinulat mo ang mga pangalan nila as dependents (kasama sa application pa din), pero inilagay mo na Accompanying sila. (will accompany you to Canada)
So kung ganito - declared as dependents sila sa application, at Accompanying - so kasama sa bibigyan ng visa at kasama sila sa application mo to immigrate to Canada. Kahit mauna ka, at di sila kasabay sa pag-alis, tapos na ang application nila, dahil "kasama" sila sa application mo para mag-immigrate. Di nila kailangan mag-apply ng hiwalay bilang PA para mag-immigrate. Kaya kailangan bayaran mo ang RPRF ng mga dependents sa ganitong scenario.
Alin dito (Example 1 or 2) and sitwasyon mo?
Ngayon balik tayo sa tanong - ano ang pagkakaintindi mo sa Non-accompanying/Accompanying.
Kaya ka hinihingan ng RPRF dahil presumably, isasama mo ang asawa mo sa pag-immigrate mo (kaya nga right of permanent residence fee ang tawag, hindi visa processing fee) - me dahilan ba na hindi mo isasama sa pag-immigrate mo?. Ngayon kung talagang ayaw mo isama ang asawa mo (non-accompanying) na mag-immigrate well - ilagay mo as Non-accompanying. So kung susunod sya, kailangan nya:
- mag-apply to immigrate separately
- sponsoran mo under ng Family sponsorship
Reprinting yung post:
kung "kasama" mo ang mga dependents mo (Accompanying) sa pag-immigrate, magbabayad ka ng:
- processing fee para sa mga dependents mo
- RPRF
Ang resulta nito, pwede kang mauna, susunod sila, di na nila kailangan mag-apply sila ng hiwalay.
(Kapag inilagay mo sila as Non-Accompanying - di mo na kailangan bayaran ang processing fee nila, at hindi ka rin required magbayad ng RPRF nila. PERO di sila makakasunod sa iyo at kailangan nila mag-apply ulit separately sa iyo o sponsoran mo under Family sponsorship. Suma nito - patatagalin mo ang pagsunod nila, at baka magka-aberya pa sa sponsorship).
kapatid - iba ang ibig sabihin ng "accompanying/non-accompanying" dito sa application. Hindi nito ibig sabihin di sila "sasabay/hindi sasabay" sa iyo sa pagpunta mo, ang ibig sabihin nito - 'isasama mo/hindi mo isasama' sila sa pag-immigrate mo.
../atb