Hi Everyone!
2005 FSW Applicant po kami as immigrant. Pero na abolish na po ang nasabing category. In fact, na kuha na po namin ang refund ng application fee dito sa Singapore dahil nandito pa kaming mag asawa. Before po na abolish ang nasabing category, Himala po ng Panginoon na natawag, na qualify, at na nominate ang asawa ko as the Principal Applicant sa PNPBC pilot project - ito po ay dahil nag effort pa din ang Canadian government para bawasan ang back log ng PRE-2007 FSW applicants.
December 2012 po ng lumabas ang nomination ng PNPBC at nakakatuwa po na 2 options din ang ibinigay sa amin. Una po ay ang TRV (Temporary Resident Visa OWP) at pangalawa ay ang PR (Permanent Residence para na sa aming buong pamilya).
Pareho po naming inapply an yun. In fact, bayad na po kami ng fee for Permanent Residency at kumpleto na po na isubmit lahat ng documents. Ipinila po ang aming passport na mag asawa para sa TRV noon pang February 2013 sa Canadian Embassy Manila. Nagmedical po kami for TRV ng APRIL 2013 na mag asawa dito sa Singapore at noong MAY 2013 naman ay nag medical na din ang 2 anak namin sa Manila para sa PR na namin. Ang medical na ginamit namin sa PR ay yung sa TRV na din po.
Ang huling silip ko po sa CIC website ay ganito ang sinasabi sa aming application: PR APPLICATION STATUS: RECEIVED APPLICATION FOR PR 21 FEBRUARY 2013 ; STARTED PROCESSING YOUR APPLICATION 10 JUNE 2013 ; MEDICAL RESULTS HAVE BEEN RECEIVED. pero yung TRV po hindi ko nasilip dahil on strike nga daw sila.
Nakakainip na po. uwing uwi na po kami sa Pilipinas. Eto po, inabutan pa po kami ng renewal ng pass/visa sa Singapore sa tagal po ng paghihintay. nakakainip po talaga. sobra. ANYONE na katulad po namin ang sitwasyon? magpalakasan po tayo. na aalala na po namin ang mga anak namin sa Pilipinas.