fye_08 said:
1.ang plan ko po magbakasyon muna ako sa pilipinas Dec 2015 to january 2016 tapos sa pilipinas na po ako mageexit papuntang Canada. ok lang po ba na sa pinas ang exit ko o kailngan sa Israel ang exit ?
Pwede naman mag-exit mula sa Pinas patungong Canada, di naman kailangan sa Israel ka mangagaling. Yun lang, magiging saklaw ka ng exit procedures and formalities for departing Filipino immigrants, which is by PH law:
http://www.cfo.gov.ph/~comfil/index.php?option=com_content&view=article&id=1347:for-filipinos-leaving-the-country-with-an-immigrant-visa&catid=139
2.at tska bakit po dito sa abroad wala pong orientaion? wala po kasi sila binigay na instruction para sa orientation unlike sa pinas meron(CIIP) at may PDOS pa.
Walang services ang CIIP (which is voluntary para sa applicant) dyan sa Israel. See: http://www.newcomersuccess.ca/index.php/en/about-ciip/regional-offices
Again - PDOS is required/mandatory as per Article 19 of Presidential Decree No. 442 - and covers Filipino immigrants leaving the PH. Kung Filipino immigrant ka departing from another point outside ng PH, di ka saklaw ng batas at di na kailangan pa sumailalim sa PDOS. Di ka kasi e-exit ng PH.
Kailangan mo ang PDOS kung sa Pilipinas ka manggagaling - in short, kasi kailangan mo ipakita ang CFO sticker. Ito ay ibibibigay after mo sumailalim sa PDOS at patunay na dumaan ka sa exit formalities, pre-departure seminars, and registration. Kung wala ito, hindi ka papayagan umalis mula sa PH patungo Canada or kahit saan nais ng immigrant (i.e. person with immigrant visa and final destination is to immigrate) magpunta.
3.lastly, sabi po ng ate ko ang port of entry sa Vancouver, dun daw iinterviewhin kaso ang problema ko po nong nagtanong ako ng ticket dito sa Israel(kung sa Israel ako mageexit) wala pong pa Vancouver na route sa Toronto lang po meron. so ok lang ba na sa Toronto ang entry ko?
Understandable sa Toronto ng first port of entry (PoE) mo dahil shortest distance from Israel to Canada is via eastern cities Montreal or Toronto (going west from Israel) - ito ang mga popular and most common PoE. Kung sa PH ka mangagaling, pinaka mabilis / pinaka direct na PoE (going west) is via Vancouver, na madalas naman PoE ng mga patungong Manitoba. Kung ang final destination mo is Manitoba/Sask/etc, at ang flight itinerary mo is layover/change planes sa Vancouver - bababa ka sa Vancouver, daraan sa immigration, dun ka mag"landing" at dun ka nila i-process as entering immigrant (interview, ipapakita ang CoPR, daraan sa customs etc.). Then saka na sasakay ng flight mo papunta saan mang final destination mo (which is local/domestic flight na lang madalas). Always itanong mo sa travel agent or saan ka kukuha ng ticket saan ka mag-PoE/ saan ang customs mo/ saan ang immigration checkpoint mo.
Me PAL na direct flight (hindi non-stop) from MNL papunta Toronto na me technical stop sa Vancouver. Technical stop lang, so refueling, cleaning at bababa LANG ang mga pasahero na ang destination is Vancouver. Kung ang immigrants ay patungong Toronto, sa flight na ito hindi sila lalabas ng immigration upang mag"landing" - either manatili sila sa loob ng eroplano or bababa hanggang sa may labas lang ng gate (holding area). Sa Toronto na ang tuluyang pagbaba at pag"landing" ng mga pasahero.
..../atb