alpine08 said:
salamat po sa mga infos, bago lang po ako dito. baka sakali po na matulungan nyo ako. nareceive ko na po LOA ko this feb 3, magstart na po ako na mag-ayos ng application for PR visa. i'm 7mos pregnant ngayon, yung husband ko lng kc ung initial na dependant ko. pano po kaya pde gawin ngayon? salamat
Congratulations sa napipintong pag-laki ng family mo!
Well, una mo gawin is contact mo ang PNP office mo and ask in case of a change in family composition (i.e. new child) kailangan ba mag-re-issue ng LoA to cover the new dependent?
Me mga LoAs na "named" (my term) - iba-iba kasi per province ang rules. Under sa tinatawag nating na "named" LoA - nakalagay ang pangalan kung sino ang kasali sa nomination. Madalas, hindi naman mahigpit sa new child at usually hindi na kailangan ng re-issue ng LoA para isama ang pangalan ng anak. Kailangan lang, me proof of relationship (i.e. birth certificate). Medyo masalimuot kapag new dependent via adoption - yun hindi lang BC ang kailangan. Most often, re-issue ng LoA ang kailangan if spouse ang nadag-dag.
Kaya una mong gagawin is kausapin ang PNP office mo and inform them - magkakaroon ng addition sa family, at kailangan bang mag-revise or re-issue ng PNP LoA?
Kung hindi naman kailangan ng re-issue, tingan mo muna kung kelan ang expiry ng LoA mo. Kung kaya pa naman hintayin makapanganak, at makakuha ng authenticated BC, at ipadala ang application sa CIO kasama ang new dependent, mas mainam, kasi isang beses lang ang padalahan at isang set of forms lang.
Kung hindi naman aabot, pwede naman idag-dag ang bata AFTER ng submission sa CIO at after me VO na assigned sa inyo at nai-transfer na ang file/application ninyo sa VO. In this case, magpapadala kayo ng updated CIC forms kung saan isinama na ninyo ang anak as a dependent, pero sa VO ninyo na ipadadala. As soon as ready na ang papeles ninyo (BC etc.), ipadala ninyo agad sa VO ang updated CIC forms. Bale lalabas na updating an application kayo.
.../atb