Hinga malalim....ok...
Merong iba't-ibang paraan ng pagbabayad ng Fees. Linawin natin sa simula - ilang taon na nakakaraan, ang unang binabayaran ay ang Processing Fee - which is $550. Pagkatapos, pag sinabihan na magbayad na ng RPRF - saka lamang magbabayad nito. Dati rati, ang pagbabayad ay sa VO kung saan ka nagsubmit ng application - so lokal na pera/currency ang gamit. Halimbawa, kung sa Manila ka noon nagsubmit ng application, ang pagbabayad ay sa peso, at dahilan na me conversion pa, minarapat na kapag bank draft or cheque - isaad na sa "Canadian Embassy, Manila" ang payee sa cheke. Ito ay sa dahilan na lokal ang peso at local ang ginagamit na bangko.
Nagbago na lahat ng ito ng nagkaroon ng CIO (Centralized Intake Office) kung saan duon unang i-susubmit ang application, at duon ka unang magbabayad ng PF (processing fee) - sa kadahilanang nasa Canada ang CIO (CIO-NS), malinaw na ang bayad ng PF ay dapat sa CAD - dahil bilang ahensya na hindi financial institution - walang kapabilidad ang CIC na humawak ng financial na transaction. Inihiwalay ito sa isang ahensya na binuo - na alam natin sa pangalang "Receiver General for Canada".
Ngunit, ang CIO lamang ang unang sisilip at titingin ng application mo, pero ipapasa din sa local na VO kung saan itutuloy ang processing. At madalas, dito sa VO (halimbawa sa CEM) inilalabas ang instructions na magbayad ng RPRF at sa kadahilanan na ang assumption ay ang karamihan ng applicante na ang application ay processed locally, me 2 paraan ng pagbabayad madalas - isang para CAD at isa para sa local na currency (sa CEM pwede Php).
Nitong mga nagdaang taon, pinalaganap na ang pagbabayad online ng mga fees: http://www.cic.gc.ca/english/information/fees/index.asp
At kasabay nito, pwede (as iaabiso) na magbayad ng sabay ang PF at RPRF sa simula pa lang ng submission - kailangan lang na kalakip ng application sa CIO ang mga resibo.
Heto ang fee schedule:
http://www.cic.gc.ca/english/information/applications/guides/EP7TOC.asp#pay-fee
Heto ang online payment system - aabot ka dito kapag sinundan mo ang mga links sa guide sa itaas.
https://eservices.cic.gc.ca/epay/welcome.do?lang=en
Sa ganang iyo, hindi mo binayaran ang RPRF kasabay ng PF. Merong ka ngayon na instructions mula sa CEM na magbayad at ang instructions nila ay nakasaad din dito: http://www.canadainternational.gc.ca/philippines/visas/fees-frais.aspx
Payment Instructions - Philippines
•Fees must be paid by bank draft, certified cheque, postal money order (PMO) or manager's cheque. Cash payment is not accepted.
Print your name on the back of the bank draft or certified cheque.
•Fees can only be paid in Canadian Dollar and Philippine Peso currencies although it is advisable to pay in Canadian Dollars to avoid currency fluctuation.
•If you are paying in Canadian dollars, the bank draft or certified cheque should be addressed to the: Receiver General for Canada.
•If you are paying in Philippine Pesos, the bank draft or certified cheque should be made payable to the: Embassy of Canada, Manila.
•Cheques can be issued by any local or international banks or post offices. Bank cheques are valid for 6 months from the date they were issued, while PMOs are valid for only 3 months.
•If bank drafts are issued from a bank in Canada in Canadian dollars, the "drawee" (also known as the clearance or correspondent bank) must be left blank.
Magkaiba kung via CAD or via PhP, maliwanag na nakasaad sa itaas. So mamili muna. Eto ang instructions ng CEM sa kadahilanang ang unang assumption as nasa Pilipinas ka at madali para sa mga nasa Pilipinas na magbayad gamit Php; ngunit nasa SG ka, kaya ang option mo ay:
- magbayad using CAD or
- magbayad using Php - makisuyo ka sa mga kamag-anak mo sa Pilipinas
Kung di mo magagawa ito, option is online payment ka. Pakibasa muna ito:
1. http://www.canadavisa.com/canada-immigration-discussion-board/timeline-for-filipinos-submitted-pnppr-applctions-at-cio-t93206.0.html;msg2782958#msg2782958
2. http://www.cic.gc.ca/english/immigrate/provincial/apply-how.asp
3. http://www.cic.gc.ca/english/information/applications/guides/EP7TOC.asp#pay-fee
Kaya pinalaganap din ang pagbabayad ng credit card/online dahil sa mga sitwasyon na ang pagbabayad ay nagmumula sa ibang bahagi ng mundo (i.e. kamag-anak sa ibang bansa ang nagbayad, nasa ibang bansa ang applikante), at mahirap magbayad ng CAD sa lokal VO sa mga bansa. Kaya me mga local instructions ng pagbabayad ng Fees.
So balikan mo ang link ng online payment: https://eservices.cic.gc.ca/epay/welcome.do?lang=en
Kahit saan issued ang credit card mo, ang billing pa rin sa iyo will be $490 CAD (. Kung SGD, makikita mo na lang ang conversion from CAD to SGD sa bill mo at ang credit card company mo ang mag-convert. Kung tuloy mo ang online payment, siguraduhin mo me resibo ka, at ipadadala mo ngayon ang resibo sa CEM bilang tugon sa request nila, at patunay na nagbayad ka.
Kaparehas lang ito ng pagbabayad ng CAD sa Pinas, ang credit card/online payment ay patungo din ke "Receiver General for Canada".
yeko?
.../hth