Hello po...
matagal na rin akong nagbabasa basa dito at natutuwa naman po ako na almost 100% (I think) ang approval.
Anyway, nag apply po kami ng husband ko. December 4, 2010 ko pinadala tapos nakuha ng CIC nung December 7, 2010. Nakasulat ngayon sa site na:
We received your application to sponsor EARL on December 7, 2010.
We sent you a letter on January 12, 2011 about the decision on your application. Please consider delays in mail delivery before contacting us.
Eh January 20, 2011 na ngayon pero di ko pa rin narereceive ung letter. Medyo kinakabahan ako kung anong laman ng letter kasi wala naman nakasulat kung approved ba or hindi ung application.
Meron na po kaming 3 year old son na Canadian Citizen, dito ko po siya sinilang, eh ngayon nag aaral lang ako sa George Brown College part-time pero wala akong work ngayon. Nakakakuha lang ako ng Child Tax Benefit (CCTB) para sa anak ko pero dun ako kinakabahan kasi di ko alam kung form of social assistance yun eh, pero para naman sa bata un at hindi sa akin.
Expired na rin ung Philippine Passport ko at ung PR Card ko (2005 po ako dumating dito sa Canada) pero napa renew ko na nung June 2010 at nakalagay din sa status ko sa online na Approved na ung PR card ko pero ung sa asawa ko po ang nakalagay lang yan nga pong nakasulat sa taas. Kinakabahan ako...T_T