0jenifer0
Champion Member
- Jul 12, 2011
- 19
- Category........
- Visa Office......
- MNL
- Job Offer........
- Pre-Assessed..
- App. Filed.......
- Oct 29, 2011 (CPC-M recvd Nov 1, 2011)
- Doc's Request.
- Feb 13, 2012 (sent June 4, 2012)
- AOR Received.
- Dec 29, 2011
- File Transfer...
- Jan 11, 2012
- Med's Request
- Aug 13, 2012 (recvd 08-23-2012) (redo 08-30-2012)
- Med's Done....
- May 26, 2011 exprd.
- Passport Req..
- Feb 8, 2012 (sent 03-23-2012)
- VISA ISSUED...
- Nov 28, 2012 (12-2-12 DM) (12-7-2012 delivered)
- LANDED..........
- DEC-25-2012
Buknoy69 said:Ah okay kumbaga kung ano lang po ung nakalagay sa part3 specific instructions like marriage certs,birTh cert ko,cenomar or aom na original nso un lang po and ung mga proofs? Tama po ba? Eh pano kaya po pg nagfill up nako ng quebec selection form di kaya kailangan ung mga school docs dun anyway sabagay di naman po ksi ko college graduate maam.
Before answering those forms kailangan nyo pong basahin muna ang Guide List:
Part 2: Immigration forms
Guide to Immigrating [IMM 3999]
Forms
http://www.cic.gc.ca/english/information/applications/fc.asp
Sa side nyo po kailangan nyong ng mga Original Document na isasama sa Application Package na isesend sa Sponsor nyo:
- Marriage Certificate ( NSO Authenticated)
- AOM (NSO din galing)
- NBI
- Medical (kasi isasama mo yung COPY 2 na manggagaling sa DMP Designated Medical Practitioner Original isasama mo sa package para sa Sponsor xerox naman sa Applicant)
- CENOMAR or singleness (kinuha ko ito bago kami ikasal isa kasi ito sa requirements bago ikasal)
- Legal Capacity (Cenomar ni hubby iyon na kinuha namin sa CEM bago kami ikasal last year)
- Police Clearance Abroad (if nag work or nag stay po sa abroad for more than 6 consecutive months)
- Police Clearance (galing dito sa Munisipyo dito sa Pinas)
NOTE: importante conversation ay yung plano nyo sa isat-isa about sa wedding at future nyo pag magkasama na kayo. Wag daw isama ang usapan about sa PETITION.
Kailngan nyo rin pong isama at isend ang mga ito sa Sponsor nyo. Ako isinama ko lahat at ipinadala ko sa hubby ko ang mga sumusunod iba rin kay hubby at nag add din siya ng mga sa kanya na evidences sa kin yang mga nasa baba ang pinadala ko:
- Boarding passes
- Plane tickets nyo together ( Domestic & Abroad)
- Hotel reservations
- Pictures (old, new, with family, friends, wedding add captions sa likod ko nilagay inindicate ko kung sino ang mga kasama namin sa pictures)
- welcome letter sa mga resorts
- Goodnight notes sa mga resorts
- cinema tickets
- Remittance receipts (western union)
- Restaurants receipts
- Chat (skype, yahoo, msn, text messages pwede rin)
- emails
- Cards (valentines, xmas, anniversary, monthsary)
Idownload nyo rin po ito link sa baba at iprint kasi kailangan nyo po itong pirmahan ang Sponsor at Applicant (yung asawa na kukunin) make 3 copies incase na magkamali ka po Signature lang po ng Applicant ilalagay dito kasi Form po ito ni Sponsor:
Application to Sponsor, Sponsorship Agreement and Undertaking [IMM 1344] (PDF, 356 KB)
http://www.cic.gc.ca/english/information/applications/fc.asp