"may mga gnun palang situation anu, kasi parang nghantay ka magkavisa tapos maghantay ka ulit kung paalisin kapa ng amo mo kung bbgyan ka ng ticket, kala ko kasi ako lang kasi ang stress dito kakaisip.."
halos lahat ganyan depende sa pangangailangan ng kumpanyang kumukuha sa atin. ako, bilang patotoo, nabisahan ng pebrero, nagpasabi ang management na sa nobyembre pa ako makakaalis at dun lang ang nakikitang tsansa na may mababakante sa kasalukyang line-up ng tao (di hamak na mas mahaba pa ang pag aantay kesa sa pagpapabisa, kwenta manganganak na nga eh kumbaga sa nagdadalang tao kasi 9 buwan na paantayan daw!) buti na lang nabago at may nagresign yung nobyembre naging hunyo kaya 4 na buwan na lang; kwenta kunan naman mula sa manganganak. mula sa asikaso ng papel hanggang mabisahan ay 67 araw o 2 buwang at 1 linggo - ito sinadya ng iaborsyo. o diba ibat- ibang mukha ng pagbubuntis na parang katulad din ng pag aapplay, pag aasikaso at pagpapabisa -
it takes a lot of birth pains!!!....
kaya sa kabila ng ganitong tanawin, hindi natatapos ang pagpapasalamat dahil mabuti't mabuti isa tayo sa pinagpala na makakuha ng tsansa na maka apply sa canada. dun pa lang nananalo na tayo kumpara sa mga iba pa na ni tsansa wala pa. magmula dyan wag tayong makakalimot!
naniniwala ako na ang lahat ng mangyayari sa paapalayan na ito ay nasa kalooban pa din ng Dios at kasangkapan lang ang tao. Bilang patotoo uli; may kasabay ako na kasing idaran ko na 40 mahigit. iisang kumpanya at trabaho ang aming pinag aplayan. sya pa mismo ang tunay na kamag anak at ako ay hindi. siya pa ang naggabay sakin ano ang kanyang proseso. pero pagdating sa resulta; ako ay nabigyan at sya ay hindi. nasa Dios ang awa, nasa tao ang gawa. ang pananaw at kilos ng Panginoon ay di natin sakop.
kaya para sa akin dasal ng papuri, pasasalamat, pagpapakumbaba at pagsusumamo ay ating gawing pakapitan at sandata; mabisahan man o hindi.