@ yangyang19
Thanks!
Yung first step po sa POEA ay pre-assessment ng docs. Ichecheck po nila yung laman ng contrata natin kung pasok ba sa criteria ng POEA. Kung may kulang dun may bibigay silang addendum. Form ito na may checklist ng mga dapat idagdag sa contract mo. Ilalagay nila ng XXX yung dapat i-comply ni employer.
Eto yung ilan items sa checklist:
Site of employment
Contract duration
Upgrading of salary to _________
Vacation Leave _________
Sick Leave __________
at marami pang iba
Yung aking po ay repatriation in case of death at unjust termination ay dapat akuin ni employer ang lahat ng gastos.
Papapirma lang kay employer. Scan copy ok na.
Kanina po bumalik ako sa POEA for third time. Nasend na ni emplyoyer yung signed addendum. Mabilis lang naman. Step 2 nko nagstart. Kumuha pala ako ng number sa lobby for Step 2.
Step2: for docs submission (PDOS certificate and addendum included with photocopy)
Tapos fill up ng SSS and OFW forms. Name will be called and submit OFW form.
Proceed to Window 2 for final assessment and encoding.
Proceed to Cashier. Payment: 6,425.88 Php. Yung OEC po ay mabibigay na din dito.
Proceed to SSS window and submit SSS form.
Mga 2 hours po tapos na ko. Just be there before 7am para mauna sa number. 8am po opening.
Goodluck po sa lahat!