Hi guys, sorry kulit ko, hingi lang po sana ako opinion niyo tungkol sa gagawin ko. Gusto ko bawiin sa vo ang passport ko at mag apply ng TRV para mabisita ang husband ko this december. Di na talaga ako makapag hintay. April applicant po ako. Files received April 25, 2015. Na send ko na passport ko sa vo nung Aug 3. Malapit na mag 3 months ang passport ko sa kanila. Meron na bang gumawa nito at naging successful?
Nang mag email ako sa manila immigrations, sabi ko hihiramin ko passport ko kasi magttravel ako abroad pero di ko sinabing balak ko pumunta Canada. Sabi nila indicate ko lng daw ang address kung saan ibabalik ang passport ko via courier. (Pero dati may nabasa ako na kailangan written letter?) Sabi rin nila I can hold on to it as long as I need it, tapos magsesend nalang daw sila ng bagong PPR kapag ready na raw ang PR visa ko so di ko kailangan ibalik agad ang passport ko sa kanila. (Medyo naconfuse ako ksi may nabasa ako dito dati na nagsabi kailangan ibalik ang passport sa vo agad after ng travel).
At tinanong ko rin kung makaka apekto ba sa PR application ko ang pagbawi ko ng passport ko. Sabi nila, continuous daw ang pagprocess ng passport ko kahit kunin ko passport ko... So bakit nila kinuha agad? Naka tengga lang dun.
Guys meron na po ba gumawa nito at naging successful? Binawi ang passport then nag apply for TRV?