+1(514) 937-9445 or Toll-free (Canada & US) +1 (888) 947-9445
ms.star12 said:
nope.not yet.nag aalala lang kasi ako na baka di sya makareceive ng email kaya ako na lang mismo humanap ng way para malaman yung email add na pagsesendan habang my konting time pa ,kesa intayin pa namin yung last minute,i mean just to be sure.thank you.

Normally ang MPNP ang magrerequest sa sponsor mo na mag submit ng SP2. Wait for the email.
Did you receive the AOR from MPNP?
 
Hi Einna,
Do you have idea if they would request us to take again the IELTS exam if it will expire soon...we sent our app Feb 2014 and Ielts will expire september 2014 ...thanks..

Erin1125
 
Einna said:
Ang lalim ng tagalog mo Shoot MacMahoon ;D

@Einna
Pasensya napo kayo sa salita ko, sa totoo lang eh hindi ako kagalingan sa English at pasang awa lang po ang nakuha ko sa IELTS. Mas maraming makakaunawa pag sariling salita natin ang gagamitin. Datapuwat ang Enlish ay keilangan din po natin para sa pupuntahan nating bansang pangarap.
 
sister said:
hi everyone let me know if still needs show money even in MPNP family stream thanks

@sister
Magandang araw sayo, nais kopo lamang ipaliwanag na ang show money ay illegal na katawagan sa mga nagnanais na mangibang bansa bilang isang immigrante. Ang show money po kc ay nangangahulugan na ilalagak mo lang ang salapi sa banko para mapakita na sayo yung pera. Paumanhin po at ang salita po kcng ito ay ipinagbabawal, ang tama pong bansag para dito ay Settlement Fund.

Sa katanungan niyo po Family stream man or General stream lahat kelangan ng settlement fund at isa oh ito sa requirements.
Kailangan na meron kayong 10K canadian dollar para sa main applicant at 2K kada karagdagang dependent. Halimbawa meron kang asawa at isang anak ang computation nito ay CAD10K(Main appplicant)+ CAD2K (Spouse) + CAD2K (Son/Daughter) = Total CAD 14K.

Siya nga po pala dapat ay mapakita mo na may history ng anim na buwan ( Bank Statement kung tawagin) at kelangan meron karing Bank Certificate na nakapangalan sayo or sa asawa mo. Sana po ay nakatulong ako.
 
Shoot MacMahoon said:
@ Alwina21
Likas naman sa ating mga pilipino ang kaalaman sa English. Sayang lang ang pera na gagamitin mo sa mga consultant at kayang kaya gawin ito kahit sarili lang. Bibigyan kita ng link para magkaroon ka ng idea kung paano simulan ang application mo at basahin mo lang at kung may mga tanong ka basta alam ko sasagot ako. immigratemanitoba.com/apply-to-mpnp/mpnp-application-assessment
Kapag nabasa mo na yan mag register ka sa online application. Pwede mong icomplete ang requirements kung ano lang kaya mo then save and continue later. web6.gov.mb.ca/sso/Account/LogOn
Yung pera na gagamitin mo sa consultant i alot mo nalang para sa VISA application mo at makakatipid kapa. Sana nakatulong ako.

Thanks a lot SHOOT MACMAHOON:)
Anyways, can i ask for ur email address?my mga questions din ako sana na itatanong sayo. If okay lng po sayo na ibigay yun:). Im worried lng ksi if tutuloy ako sa pag apply sa consultancy eh..Thanks
 
Alwina21 said:

Pinadalhan kita ng message.
 
Shoot MacMahoon said:
@ Einna
Pasensya napo kayo sa salita ko, sa totoo lang eh hindi ako kagalingan sa English at pasang awa lang po ang nakuha ko sa IELTS. Mas maraming makakaunawa pag sariling salita natin ang gagamitin. Datapuwat ang Enlish ay keilangan din po natin para sa pupuntahan nating bansang pangarap.

Bilib nga ako sa tagalog mo! Pwede ba kitang kuning tutor sa tagalog ng anak ko ha ha ha (just kidding).
Ung anak ko kasi pilipit ang tagalog... laging maling grammar dahil abroad sya lumaki at international school nag-aaral.
 
Erin1125 said:
Hi Einna,
Do you have idea if they would request us to take again the IELTS exam if it will expire soon...we sent our app Feb 2014 and Ielts will expire september 2014 ...thanks..

Erin1125

Hi Erin1125,

Anong stage ka na ba? I mean, application for PNP ba ung sinasabi mo na sinend mo last Feb 2014?
Kung PR application, depende un sa NOC level mo. If NOC skill level 0, A or B - hindi mo na need ng bagong IELTS sa PR application mo. Kung ang occupation mo ay NOC C and D then kailangan mo ng bagong IELTS.
 
Hi Einna,

PNP stage pa lang ako eh...and NOC A and B occupational level ..that means hindi ko na kailangan to take the IELTS again for the PNP and CIC?
thanks again :)) God bless...
 
makakaraos din..... good day po sa inyong lahat!
 
pwede bang colored ang scanning?
 
Einna said:
Bilib nga ako sa tagalog mo! Pwede ba kitang kuning tutor sa tagalog ng anak ko ha ha ha (just kidding).
Ung anak ko kasi pilipit ang tagalog... laging maling grammar dahil abroad sya lumaki at international school nag-aaral.

@Einna
Ako poy nagagalak kung inyong mamarapatin na matuto sa wikang tagalog ang inyong anak Salamat.
 
Fapper said:
pwede bang colored ang scanning?

@ Fapper
Mas maganda nga po kapag colored at original ang scan na dokumento na iyong ipapasa. Mas malinaw para sa mag aasess ng mga papel mo.
 
salamat shoot!