Hello po mga kabayan, I'm new sa forum and we are planning to apply for MPNP this year po with the help of a relative who is willing to sponsor us. Nakapag send na po ako ng request sa WES para sa accreditation ng credentials po namin and naka schedule na po kami ng IELTS sa June 2. So ang plan po is mag open kami ng EOI as soon as makumpleto po namin ang IELTS at WES. Naka schedule din po kami na magtravel sa Manitoba ngayong July as tourists para po sa exploratory visit na din.
41 na po pala ako, yung anak ko po turning 21 sa Sept. this year, at yung husband ko po 48yo na. Bale ako po principal applicant admin. manager po ako at ang husband ko is architect pareho po kami naka base sa Dubai for 13/14 years na po, yung anak ko lang po ang nasa pinas at nag-aaral pa sa college. Ang question ko po, yun po bang Company Certificates and reference letters na kailangan sa application eh pwedeng last 13/14 years lang or kailangan pa din pong pati yung mga pinasukan namin sa pinas noon na company certificate? kse po liban sa yung ibang companies nagsara na, eh wala po kamin oras na umuwi sa Pilipinas this year. Maraming salamat po sa guidance. Good luck and God bless po sa lahat ng nag-apply na