peter nepomuceno said:
naikwento kc sa akin nung nakasabay ko kumuha ng certificate of license na masmalaki pa raw ang ibabawas sa insurance kung professional kumpara sa non pro, pero ang pinakamahalaga ay ang drivers license certificate kasi dun nakalagay ang history ng driving mo mula nung nagkalicense ka.
Opo pinaka importante po pagkakaroon ng professional driver's license, makakasave po kayo ng time pag dating nyo d2 sa canada. 7 years po akong may professional driver's license sa pinas, noong dumating po ako d2 sa canada at ngapply ng license, hindi na po ako dumaan as a new driver o novice driver. After ko po mgknowledge test which is the first step at pumasa ako, nagroad exam na po ako for my class 5 license. Un po ang kagandahan if may Prof. license from pinas. If non-pro lng po ang license dadaan p po kayo bilang novice driver which is maghihintay pa kayo ng 2 years bago kayo makapagbook ng roadtest for class 5 license. Eto po ang example...
British Columbia Driver's Licensing
step 1: knowledge test (online exam) + vision screening = L or Learner's
step 2: 1 year practice + class 7 road test = N or Novice license
step 3: 2 years safe driving + class 5 road test = Full pledge license or Class 5
This is pretty much the same po sa Alberta o sa iba pang mga provinces iba lng po ang term na gamit nila. Kaya po kung may professional licence kayo sa atin maiiskip nyo na po ang step 2 at kung confident na kayo mag road exam e pwede na po kayong magbook ng appointment for Class 5. Sana po makatulong sa inyo ito.