Sa previous batches ng applicants, dami kasi nagrereklamo na ang aga hinihingi ng passport tapos ilang buwan inaabot bago ibalik sa mga applicants. Ganon kasi ang sistema sa CEM pero sa ibang visa offices abroad iba daw. Ang sabi sa isa sa mga international thread na nabasa ko, nagPPR lang sila pag ready na iissue yun visa. So baka tinatapos lang ng CEM yung mga criminality, eligibility assessments, etc..bago sila magpadala ng PPR. Para pag pinadala nyo na yung passports nyo sa CEM, for finalization na lang ang application nyo at ready na iissue visa nyo.