thanksGod said:
To forum members,
Thanks God. Visa po ay naapprove, email notification, last October 8. Idedeliver po ba ng air21 or need to pick up at embassy. Submitted thru PIASI and confused kung wait ng air21. Pag po I deliver, ilang days po ang wait?
June 26, complete paper application sent to cem
September 12, medical request
September 13, done with medicals
October 8, visa approved
Waiting for passport
February, first or second week- flight to Canada
eto yung site pwedi mo mabasa karanasan nya: http://lbautista.proboards.com/index.cgi?board=caregiver&action=display&thread=5573&page=432
Good day, cassiel may advise ba sayo nuon na pumunta ka ng embassy manila to get your visa then inadvise ka na rin magpa remedical ?
Kc ang layo ng approval mu notice mu april pa , then october ka pumunta po ng embassy ?, just curious lang po . Ty
Hi po... wala po advise sa akin... walang e-mail, tawag, fax, txt, etc. ako po lahat nagtry magreach out sa kanila since May thru tawag, fax, e-mail. pati sa air21 at DHL nangungulit na ako kung may package ba galing CEM... siyempre negative response sa dalawa (embassy and couriers)... eh, ako naman din kasi itong slow. Nung malapit lang expire med ko saka ko naisip puntahan ang embassy personally nalang. Ang layo nga din naman kasi ng biyahe. 12 hours. pero what's 12 hours kung may visang naghihintay naman di ba? eh, wala na akong magagawa. andun na iyon eh. kahit pa umiyak ako or iuntog ko ulo ko ng ilang beses, walang mangyayari.
so pagpunta ko ng embassy, siyempre, nagtaka sobra yung nasa reception. itinawag kaagad sa taas.. pinaakyat ako sa 6th floor. deretso sa window, walang tao. tapos explain explain to the max yung officer. eto sabi: mam, i have at hand your passport with visa. but i'm very sorry to tell you na hindi niyo po ito makukuha kasi mag-eexpire na po yung medical niyo on the 29th (October 8 po ako pumunta sa embassy). Kulang na po kasi yung time na ito para iprocess niyo yung lahat ng pwedeng iprocess kasi may mga seminars po kayu na iaattend at may OEC pa. Sa experience po namin sa mga live in caregiver applicants, umaabot lahat ng 2 months. I'm sorry po talaga mam. binalik po kasi ng air21 yung kit niyo. hindi daw po serviceable yung area niyo."
ako, during the whole time na nag-eexplain si officer, tangu-tangu lang ako. Super naiiyak na kasi ako, di na ako makapagsalita. tas yun, inadvise na ako for remedical. wait ko lang daw yung e-mail from embassy within a week. natanggap ko yung re-med notice oct. 17. yun lang naman ang story of my life kung bakit ganun may approval tas now lang ako punta embassy. one reason only - my stupidity and lack of judgement siguro... I don't know what to call it. basta ganun yun, kasalanan ko. Buti nalang mabait si Lord.
eto pa pala, paglabas na paglabas ko ng embassy, dun sa kung saan may flags; yung as in bungad talaga, tinawagan ko ang air21... (ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na po puwede ikuwento sa forum na ito kasi rated SSPG... hehe... baka i-ban ako ni kuya Louie at ng mga admin at moderators... heheh... joke lang po...)
anywez, life goes on. after non, nagpunta ako sa office kung saan ako kabilang dati sa may LRI Design Plaza (nilakad ko lang mula embassy), nanghiram ng tablet sa corporate secretary, umupo sa tabi ni boss lady at nag-Candy Crush nang bonggang bongga... Delicious, Sweet sabi ng mga candy... sabi ko nga, life goes on... kinabukasan nun, parang walang nangyari... I thanked the Lord for a brand new day.
Sarap naman ng tulog ko nung gabi kaya feeling ko parang akin na rin yung visa... hehe...
Pwede po ba Lord, visa na yung Christmas gift mo sa akin?
Read more: http://lbautista.proboards.com/index.cgi?board=caregiver&action=display&thread=5573&page=432#ixzz2kLUNN6f4