sorry sa late update!
meron na akong VISA!!! ;D
yun nga lang hindi pa ako makakaalis.. sabi kasi ng agency namin, hindi muna daw magpapaalis ng mga skilled workers yung employer
na nag-interview sa amin. sabi din nila na kung gusto ko daw kunin ang visa ko ay pwede naman daw. sinabi din nung taga-agency
na kung mag-aapply ako sa ibang employer at yung employer na yun ang magpapaalis sa kin ay hindi din daw pwede, kasi under
daw ako nung unang employer na pinag-applyan ko. makikita daw yun ng immigration officer sa canada na under ako ng una kong employer.
ask ko lang sa mga dalubhasa dito, totoo ba yun? at since hindi na kailangan ng LMO ng mga pipe fitter at work permit
lang ang kailangan, pwede ba ako mag-apply sa ibang employer directly?
sa pagkakaintindi ko kasi, since may visa na ako, kailangan ko lang ng employment letter para maka-secure ako ng work permit sa immigration.
sana matulungan nyo ako.