kaeleemom said:
need ko lng tlg ng ibang inputs pra mabalance ko anu ung mas ok for us...minsan kc kelangan lng naten ivent-out ang worries to clear our minds...well-noted ang mga suggestions nyo
Andy_s and
Blue Butterfly and super noted ung line ni
bosschips na
"malamig sa Canada, mahirap mag-isa" ;D
Hello Kaeleemom,
Nagland kami sa Canada in 2008, kami ng husband ko and our then 3-yr-old daughter. Tama sila na medyo mahirap sa simula pero may paraan naman talaga kung willing ka din mag-sacrifice nang kaunti.
Nagland kami dito nang wala kaming kakilala. Ni hindi namin alam ano itsura ng Canada at kung anong naghihintay sa amin dito. Blind leap lang talaga, kumbaga, bahala na si Batman. May mga kamag-anak kami dito pero never naman namin nameet at dito na lang namin nakilala.
Tama din na mahirap magtrabaho dito pareho mag-asawa kung may bata, PERO, ika nga nila, kung gusto talaga, may paraan. My husband worked from 4am-2pm, ako naman 3pm-9pm. Yung pagitan na between 2pm-3pm, dun kami nagtuturn over ng bata. Mahirap, pero may paraan. Mas okay na yun kesa hindi mo nakikita ang pamilya mo or yung anak mo ng ilang buwan or taon.
Canada is a wonderful place to nurture your family-life. Hindi kayo nagkamali to want to move to this beautiful country. They put so much importance sa pagiging pamilya, at hindi naman lahat ng tao dito merong mga nannies, so kung nakakayanan naman ng majority dito na parehong mag-asawa may trabaho, at may mga anak din, ibig sabihin it can be done.
Ang isa pang suggestion ko, yung idea na magleleave lang sa current job at magland lang dito at babalik din sa job, well, try to weigh everything. Unless malaki talagang sobra ang kinikita mo sa job mo ngayon, better pa to land and start "settling" na. Babalik ka pa, tapos babalik ka din ulit dito, round trip airfare din yun. There are some govt benefits na hindi mo maavail (depende din sa province na destination mo) unless you are really living here na. May mga tanong kasi na "do you intend to leave the province/canada for period longer than x number of days" pag magapply ka na ng benefits like healthcare, child tax benefit (monthly allowance na nakukuha per child from the govt). Saka that's what the settlement funds are for. They expect you to need funds while you are looking for a job. Yung estimate nila is yung settlement funds mo will help you for 6 months na naghahanap ka ng trabaho. E kung hindi ka naman mapili sa trabaho, madali ka namang makakakuha ng job.
Opinions and suggestions ko lang naman ang nga to. Based on my experience and sa mga experiences ng mga kaibigan and kakilala ko dito. Ultimately, ikaw pa rin ang magdedecide for you and your family.
Baka nagtataka kayo kung bakit ko finafollow ang thread na to, ang brother ko kasi and his wife nag-aapply din under noc 1123. Sinusundan ko tong thread na to para malaman ang mga bago sa application process and para makapag-compare sa timeline nila.
Salamat po sa space and wishing all of you success in your journey to Canada!