Hello,
Sana po may sumagot ng question ko. May PER na po ako pero meron akong dalawang short-term jobs sa Pilipinas na nalimutang i-declare. Nalimutan ko sila kasi matagal na yun and sobrang iksi lang (3 months). Also, hindi sila related sa current profession ko, so hindi ko na talaga sila sinasama sa resume ko for a decade now. Tsaka yung isa, hindi naman ako seryoso sa job na yun. Ginawa ko lang sya habang naghihintay ako ng visa ko that time para may source of income ako.
Hahayaan ko na po bang huwag yun makasama sa application ko or ipapaalam ko pa rin sa CEM? If ngayon ko lang sasabihin, hindi kaya ma-penalize ako? If hindi ko naman i-declare tapos malaman nila, eh di lagot din ako.
What is your opinion po? Please help. Thank you very much in advance.